• Home
  • Fresh Scoops
  • KILALANIN: Mga bagong awitin na aabangan sa Himig Handog 2018

KILALANIN: Mga bagong awitin na aabangan sa Himig Handog 2018

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/15/2018 12:22 PM
KILALANIN: Mga bagong awitin na aabangan sa Himig Handog 2018


 

Mula sa libo-libong awitin na ipinadala ng mga bagong music composer, napili na ang sampu sa mga bagong OPM Love Song na pasok sa inaabangan taunang songwriting competition ng Himig Handog.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Congratulations to the #HimigHandog2018 Top 10 finalists!

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

 

“Dalawang Pag-ibig Niya” ni Bernard Reforsado ng Albay.

“Hati Na Lang Tayo Sa Kanya” ni Joseph Santiago ng Quezon City.

“Kababata” ni John Micheal Edixon ng Parañque.

“Mas Mabuti Pa” ni Mhonver Lopez at Joanna Concepcion ng Laguna.

“Para Sa Tabi” ni Robert William Pareña ng Dubai.

“Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong” ni Kyle Raphael Borbon ng Davao City.

“Sugarol” ni Jan Sabili ng Muntinlupa

“Tinatapos Ko Na” ni Sarah Jane Gandia ng USA.

“Wakasan” ni Philip Arvin Jarilla ng Antipolo.

at “Walang Alam” nila Martin John Arellano ng Manila at Mel Magno ng Pampanga.

“Love Songs and Love Stories” ang tema ng pinakahihintay na kompetisyon sa ika-siyam na taon ng “Himig Handog” na bibigyang kulay ng top Kapamilya singers.

Bukod sa petsa ng grand finals, isa din sa inaabangan ngayon ang mga Kapamilya singers na magbibigay tunog sa sampung awitin.