• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria, personal choice ni Laurice Guillen sa bagong proyekto

Jodi Sta. Maria, personal choice ni Laurice Guillen sa bagong proyekto

Inihalintulad din ni Direk Laurice Guillen si Jodi Sta. Maria kay Lolita Rodriguez

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/15/2018 12:01 PM
Jodi Sta. Maria, personal choice ni Laurice Guillen sa bagong proyekto


Photo credit to: @ea_guzman IG

 

Personal choice daw ng beteranang direktor na si Laurice Guillen ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang bagong proyekto.

Isa si Jodi sa magbibida sa pelikulang Man And Wife na base sa classic Pinoy drama series na Gulong ng Palad ni Loida Viriña.

Read: Laurice Guillen to direct classic drama ‘Gulong Ng Palad’

 

 

"They're all hand-picked," ani direk Laurice sa set visit ng last shooting day ng bagong pelikula ni CINEKO Productions.

Ayon sa kay Direk Laurice, ito ang unang beses niya na nakatrabaho ang aktres.

"First time ko kay Jodi at hindi ako nabigo sa confrontation scene din, lumalaban din!” tugon pa ng beteranang direktor.

Maliban sa husay, inihalintulad pa ng direktor si Jodi sa beteranang aktres na si Lolita Rodriguez.

“Alam mo she reminds me of si Lolita Rodriguez noon na 'yung may dignity, may composure at magaling and intense din. Pero 'yung acting niya parang si Lolita din,” sabi pa ni direk Laurice.

“Palaban din acting niya at hindi 'yung parang nababasag ang mukha, parang sakto lang pero mahusay," pahayag pa ng direktor.

Bukod kay Jodi, kabilang din sa cast sina Francis Magundayao, Ina Feleo, Edgar Allan Guzman, Denise Laurel, at Gabby Concepcion.

Sa ngayon, nasa plano umano ng CINEKO Productions na isali sa 2018 Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikula.