• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin ibinahagi ang sikreto ng tagumpay ng ‘Ang Probinsyano’

Coco Martin ibinahagi ang sikreto ng tagumpay ng ‘Ang Probinsyano’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/15/2018 11:24 AM
Coco Martin ibinahagi ang sikreto ng tagumpay ng ‘Ang Probinsyano’


 

Tuloy tuloy sa pamamayagpag sa primetime television ang teleseryeng Ang Probinsyano. Kaya naman, malaking reward para kay Coco Martin at mga kasama sa programa ang pagmamahal sa kanila gabi-gabi ng mga manunuod.

“Natutuwa ako, itinuturing namin na blessings ang mataas na ratings ng Ang Probinsyano. Kahapon nag-45, ngayon nag-46 tapos sa rural. Siguro gustong gusto lang talaga nila ang topic. Pinoy eh!” sabi ni Coco.

Sa naging panayam kay Coco, sinabi niya kung ano ang sikreto pa ito kung bakit laging inaabangan ang kanilang kuwento.

“Ang ano kasi ng Ang Probinsyano unpredictable eh, syempre inuunahan na namin ang iniisip ng mga tao di ba? inaassure namin na ibahin natin ang kuwento kumbaga bigyan natin sila ng ibang putahe sa gabi gabi ng panonood nila. Siguro yun ang isang way kung bakit sa tatlong taon nandyan pa rin sila para suportahan kami,” paliwanag pa ng aktor.

At kasama sa tagumpay ng Ang Probinsyano ang pagbibigay pagkakataon sa inactive personalities na magsimula muli.

“Hindi para mag-come up lang kung sino ang mga nangangailangan. Ako kasi naniniwala ako sa opportunity na ibinibigay lalung lalo na ang bata (Rhed Bustamante), napaka-talented kumbaga. Ang kailangan ng mga tao eh oportunidad. Sabi ko nga nagbabalik tanaw ako wala naman tao nagbigay sa akin ng pera. Ang ibinigay sa akin opportunity,” pahayag pa ni Coco.

Sa ngayon, mas  marami pang mga pasabog ang mga dapat pa na abangan tuwing gabi sa Ang Probinsyano.