Tips para makatipid ang mga momshies

Nagbigay si Chinkee Tan ng ilang practical tips para makatipid ang mga momshies.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/14/2018 6:33 PM
Tips para makatipid ang mga momshies


 

Sa episode ng Magandang Buhay, September 14, nagbigay ng ilang tipid tips ang ‘Till Debt Do Us Part’ at ‘For Richer and For Poorer’ author at motivational speaker na si Chinkee Tan. 

Kasama ang mga momshie-hosts at mga guests na sina Ogie Diaz, Wilma Doesnt at Malou Crisologo, nagturo ng dalawang tips na 'di mo aakalaing may malaking maitutulong sa pagtitipid ng mga Pinoy lalo na sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng mga bilihin.

1. Envelope System

Ayon kay Chinkee, dapat maging praktis ang ‘Envelope System,’ o ang paghihiwalay ng budget para sa pagkain, transportasyon at ibang mga gastusin. Wag na ring dalhin ang lahat ng pera sa iisang wallet kapag lalabas o mamamalengke. “Alam mo ang problema kasi kapag dala mo yung buong wallet mo na hindi naka-envelope? Ay para siyang vacuum, hihigupin siya,” dagdag niya.

2. 'Wag pupunta ng grocery ng gutom at galit.

“Huwag kang pupunta ng grocery o palengke ng gutom o galit!” payo ng Chinkee.

Ayon din sa kanya, disiplina sa pagtitipid ang pinakaimportanteng praktis na dapat ginagawa ng mga momshies. 

“Hindi mahalaga kung magkano kinikita mo, ang mahalaga, kung magkano ang natitira. Kahit kumita ka ng daang-libo, pero ang gastos mo ay daang-libo rin, walang matitira. Kahit ang kita mo ay maliit lang, pero kung marunong kang mag-budget. Marunong kang mag-ipon, may matitira talaga," sabi ni Chinkee.