• Home
  • Fresh Scoops
  • "The Trigonal" director Vince Soberano na-challenge sa pangmamaliit ng international film markets sa kakayahan ng Pinoy film makers

"The Trigonal" director Vince Soberano na-challenge sa pangmamaliit ng international film markets sa kakayahan ng Pinoy film makers

Gusto ipakita ni direk Vince Soberano na kaya din gumawa ng Pinoy ng isang world-class action movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/14/2018 2:06 PM


 

Pure English ang first Pinoy martial arts movie na The Trigonal na prinodyus ng Cinefenio Film  Studios, RSVP Film Studios at PIAYA na ire-release ng Viva Films sa Sept. 26.

The film is written and directed by Vincent Soberano, na isang 8-time muay thai champion at MMA coach ng ilan sa pinakamagagaling na UFC fighters ng  China.

Bida sa pelikula si Ian Ignacio, na bukod sa pagiging theater actor, ay isa ring taekwondo black belter. Sa kanya iikot ang kuwento ng isang retiradong kampeon ng mixed martial arts at karate na mapilitang makipagbakbakan sa sindikato na nanghimasok sa kanyang bayan.

Leading lady ni Ian sa The Trigonal si Rhian Ramos.

Puro martial arts champion din ang kabilang sa supporting cast ng pelikula tulad nina Monsour del Rosario at Sarah Chang.

Si Monsour ay isang taekwondo Olympic me dalist at Sports Hall of  Fame awardee. Recently, he was named as the first Taekwondo Man of the Year na hindi Koreano.

Si Sarah naman ay isang five-time USA National Wushu Team member. Siya ay produkto ng Central Academy of  Drama  sa Beijing at nag-aral ng action stunts sa Jackie  Chan Stunt  Team Training Center sa  Tiajin, China.

Ayon kay  Direk Vince, solid ang  paggamit ng The Trigonal sa mga katangi-tanging martial arts tulad ng  arnis, sikaran, dumog at tapado.

When asked kung bakit pinili niyang gumawa ng action at martial arts movie na napakahirap gawin, aniya, “It’s what I do.”

Patuloy niya, “You can always expect an element of action and martial arts in my movies, no matter if I’m making a drama like The Trigonal, or a rom-com, comedy, horror or sci-fi in the future.

“Trigonal is a commercial movie, okay? You’ve gotta give it a little flash, a little style. Otherwise, it becomes dull, predictable and easily forgettable.”

Samantala, naging challenge din kay Direk Vince ang pangmamaliit ng mga film markets sa kakayahan ng mga Pinoy directors and actors na gumawa ng pelikula papasa sa international market.

“Na-challenge talaga ako. Kasi ang feedback sa akin ng  mga film markets, hindi tayo marunong… ang quality is ganun, so I felt na I wanted to do something.

“I wanted to show them something that  comes from Pinoy, na it’s a quality that you gain respect. Ang goal ko now is to uplift the  Filipino image in film and  as a person,” paliwanag ng Pinoy director na nag-aral pa ng film making sa Amerika.

Samantala, si Vince ang director ng multi-award winning National Geographic  Channel documentary na On  The Brink: Uncharted Waters at ng 2016 Best  Short Film na Blood Hunters.  Naging part din siya ng iba’t ibang malalaking TV and movie projects sa  Amerika habang nagtuturo ng martial arts sa school ni Jackie Chan sa  China.