‘The Hows of Us’, certified blockbuster movie na

Will ‘The Hows of Us’ become the highest grossing Pinoy film of all time?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/14/2018 12:07 PM
‘The Hows of Us’, certified blockbuster movie na


Photo credit: @starcinema on IG

 

Sa naganap na thanksgiving party ng The Hows of Us noong September 12, in-announce na nalampasan na ng nasabing pelikula ang 590-million mark bilang highest-grossing Pinoy movie.

 

Ang pelikula ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) ay kasalukuyang may kita na 591 million pesos, worldwide. Nalampasan nito ang record ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na A Second Chance na kumita ng 556 million pesos noong 2015.

READ: Vice Ganda says audience can expect a different Richard Gutierrez and Dingdong Dantes in ‘Fantastica’

Malapit na din ito sa record ng pelikula ni Vice Ganda na The Super Parental Guardians na may 598 million pesos gross sales. Ang pelikula naman ni Vice na Gandarappido: The Revenger’s Squad ay may huling report na 571 million pesos gross income din.