Ryza Cenon nagbigay update sa bagong teleserye

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/14/2018 11:08 AM
Ryza Cenon nagbigay update sa bagong teleserye


 

Kasama si Ryza Cenon sa pelikula nina Coco Martin at Vic Sotto na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Looking forward si Ryza nalalapit na pagpapalabas ng Jak Em Popoy: The Puliscredibles na para sa buong pamilya ngayong kapaskuhan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ryza Cenon @iamryzacenon isa sa mga mapapanuod sa “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” #ryzacenon #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“This is my first time na maka-experience ng movie na pang film fest, first time ko magpa-parade so sobrang excited ako ma-experience lahat ng ito,” sabi ni Ryza.

Sa telebisyon naman, coming soon na ang seryeng The General’s Daughter kung saan kasali din si Ryza. Kuwento niya na nahihinto ang kanilang taping dahil sa masamang panahon.

“Sa ngayon kasi medyo nahihirapan kami dahil sa weather eh sa taping. Pero nag-start na kami,” kuwento pa ni Ryza.

Excited din ang aktres sa The General’s Daughter dahil kasama niya dito si Angel Locsin na malapit sa kanya.

“Mas lumalalim, mas nagiging mas close kami ngayon kasi lagi kami magkasama. Lagi naman siya naka-suporta sa akin eh. Parang talaga siyang big sister sa akin lagi siya nagpapaalala sa akin,” pahayag pa ni Ryza.

Regular ngayon na napapanuod si Ryza sa FPJ’s Ang Probinsyano.