Nadine Lustre, kasama si James Reid sa isang charity event

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/14/2018 11:13 AM
Nadine Lustre, kasama si James Reid sa isang charity event


Photo credit: @vivaartistsagency on IG

 

Muling nagbigay saya sa kanyang mga tagahanga ang aktres na si Nadine Lustre.

Sa tulong ng Make A Wish Philippines foundation, nabigyang katuparan ang kahilingan ng isang batang may karamdaman na si Jham.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@james & @nadine granted a wish from Make a wish Foundation ❤️ @makeawishphilippines 💙

A post shared by VIVA ARTISTS (@vivaartistsagency) on

 

Sa Instagram post ng Viva Artist Agency nitong Huwebes, September 13, kasama na ni Nadine ang real life partner na si James Reid sa pagbibigay ng saya sa kanilang tagahanga.

Isa lang ito sa marami pang mga bata na nabigyan ng ngiti ni Nadine matapos ang pakikipag-bonding kamakailan sa mga batang may congenital heart defect sa Cebu.