Maymay Entrata, inamin na pangarap maging modelo

Maymay Entrata, gusto mag-training sa pagmo-model.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/14/2018 8:50 AM
Maymay Entrata, inamin na pangarap maging modelo


Photo credit: @maymay on IG

 

Sa ulat mula sa TV Patrol, hindi man kasali sa Asia’s Next Top Model inamin ni Maymay Entrata na nakakataba ng puso ang mga gumawa ng meme at nag-akala na kasali siya sa naturang search.

Inamin din ni Maymay na hindi ito malayo sa pangarap niya. “Nasa dreams ko na po yung pagiging modelo. Nasa tamang panahon po yun.”

Willing din daw siya mag-train para maging model balang araw. “Kung may time po ako at nasa tamang panahon na po ako na pwede ako mag-train…” 

Tungkol naman sa natural niyang galing sa pagrarampa at pagpu-pose sa harap ng camera, feel na feel lang daw niya ito kahit na wala siyang formal training. “Natutunan ko lang yun sa YouTube, sa mga professional models, kunwari iniisip ko lang maganda ako… ”