• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo napaiyak dahil sa tagumpay ng “The Hows Of Us”

Kathryn Bernardo napaiyak dahil sa tagumpay ng “The Hows Of Us”

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Kathryn sa lahat ng suporta ng kanyang fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/14/2018 11:01 AM
Kathryn Bernardo napaiyak dahil sa tagumpay ng “The Hows Of Us”


 

Hindi napigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang mapaluha sa magkahalong saya at pag ka proud sa naging tagumpay ng pelikulang “The Hows  Us.”

“Dumating ako sa point na sumuko na din ako sa magkakasunod na nangyari and they asked me if you want this,” emosyonal na pahayag ni Kathryn nitong Huwebes ng gabi, September 13. 

Ayon pa kay Kathryn, malaki ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang mga tumatayong mga ina sa industriya na sina Olivia Lamasan at Cathy Garcia-Molina, sa patuloy nitong paggabay sa kanya.

“Hindi naman ako nabigo, kasi grabe po yung naging tulong nila sa akin, especially direk Cathy na hindi siya napagod at hindi siya napagod na maniwala sa ‘kin,” ani Kathryn.

“I felt like she saved me and she did talaga si Direk Cathy, sa lahat ng praises na nare-receive ko, it’s because of her,” sabi pa ng aktres.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN news kay Kathryn, hindi  itinangi ng aktres na dumaan  siya sa pansariling problema pero mas pinilini niyang hindi na ibahagi pa ang detalye nito.

“Hindi ko naman dine-deny alam din nila ang struggle ko doon and tinanggap namin itong ‘The Hows Of Us’ nang hindi ko alam ang magiging outcome, kailangan mo siyang sugalan e,” sabi pa niya.

Sa ngayon pumalo na sa mahigit kumulang na P600Million ang kinita ng “The Hows Of Us” sa tatlong lingo nito sa takilya.