Gabby Concepcion aprubado ba ang bagong inspirasyon ni KC?

Ramdam daw ni Gabby Concepcion ang kasiyahan ng anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/14/2018 12:10 PM
Gabby Concepcion aprubado ba ang bagong inspirasyon ni KC?


Photo credit: @itskcconcepcion on IG

 

Alam daw ng aktor na si Gabby Concepcion na masayang-masaya ngayon ang anak na si KC Concepcion sa buhay pag ibig nito.

 

Dahil dito, hindi naiwasan na maitanong kay Gabby kung ano ang kanyang naging reaksyon sa ipinakilalang inspirasyon ng anak.

“Nako kahit na ano ang gusto niya, yun na din ang gusto ko, walang problema,” tugon ng aktor sa press nitong Huwebes, September 13, sa set visit ng pelikulang Man And Wife sa Alabang.

Ayon pa sa aktor, wala pa siyang pagkakataon na makilala ng personal ang ipinakilalang inspirasyon ng anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Warm, genuine, timeless. 🛫✨🌎

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

 

“Hindi pa, hindi ko pa nakikilala pero, mukhang mabait naman,” ani Gabby.

“Wala pa (chance) pinababayaan ko nalang, alam mo tayo pag in love tayo minsan nakakalimutan natin yung nasa paligid natin, ganun talaga yun kahit na sino,” pabirong sabi pa ni Gabby.

At bilang isang ama naman, naitanong din ng press sa aktor kung handa na ba siya sakali na mag paalam si KC na magpapakasal na ito?

“I’ll be ready! Alam mo naman ako, sala sa init, sala sa lamig,” pahayag pa ng aktor.