• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin, may pressure bang maging box office hit ang film fest entry?

Coco Martin, may pressure bang maging box office hit ang film fest entry?

Ibinahagi din ni Coco Martin ang mga dapat abangan sa kanyang pekikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/14/2018 11:20 AM
Coco Martin, may pressure bang maging box office hit ang film fest entry?


Photo credit: @mr.cocomartin on IG

 

Sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ngayong kapaskuhan, handa na sina Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza na mga lead stars ng isa sa official entry na Jak Em Popoy: The Puliscredibles.

 

 

Kuwento ni Coco sa naganap na pictorial nitong Martes, September 11, ikinuwento ni Coco na magaan ang vibes nila sa set habang binubuo ang pelikula.

“Wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa sa set. Kapag action naman tinotodo namin kasi sabi ko nga sa pelikula ito hangga’t maari malagpasan natin ang ginagawa natin sa Probinsyano,” bungad ni Coco.

Ayon pa kay Coco, isa sa iniwasan niya ngayon ang pressure na kumita ng malaki sa takilya ang kanyang binubuong pelikula.

“Hindi na! Sabi ko nga kapag yan ang pinasok mo sa isip mo masakit pa nyan baka ma-disappoint ka eh. Sabi ko nga ang pinakamaganda ngayon is magtulungan na lang kung paano natin mapapasaya ang mga Pilipino para wala ng issue issue,” masayang tugon ng aktor.

At may patikim pa na kuwento ang actor sa kanilang pelikula.

“First time ko dito lahat eh. Kung baga kung gagawa ako ng pelikula, siyempre gusto ko makita ng tao yung di ko pa nagagawa sa TV, kaya lahat sing and dance, rap basta lahat andami! Pinaplano din namin yan. Sabi nga namin itodo na natin!” pahayag pa ni Coco.

Mapapanuod ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ngayong December 25.