• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo explains how he handled the pain of losing his mom

Zanjoe Marudo explains how he handled the pain of losing his mom

Zanjoe Marudo reminisces on happy moments with his late mom

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/13/2018 11:36 AM
Zanjoe Marudo explains how he handled the pain of losing his mom


 

Sa Tonight with Boy Abunda, binalikan ni Zanjoe Marudo ang sakit ng pagpanaw ng kanyang ina last February 2018.  “Nung simula biglaan, nagta-trabaho ako, alam ko naman na nasa ospital tapos biglaan. Mahirap e. Nung mga unang araw hindi ko pa masyado iniintindi yung nararamdaman ko.”

Pagpapatuloy niya, “nung nailibing na, nung na-settle na, nung alam namin na wala na talaga dun ko siya dinama talaga.”

Pinakanami-miss din ni Zanjoe sa Nanay niya yung, “everyday na gigising ako sa umaga nandiyan na siya. Nakahanda na ang almusal ko.” 

Proud na proud din daw ito sa pagiging artista ni Zanjoe. “Paglabas ko ng Pinoy Big Brother, diretso The Buzz interview kami… sobrang happy siya na nanalo ako sa PBB and ngayon nasa The Buzz kami. Lalo na sa probinsya, sa Batangas, sobrang proud siya. Number one fan.”

Parati din daw sinasabi nito kay Zanjoe na, “manunuod ako ng premiere night, may kasama akong sampu.”

Nagayong wala na rin ang kanyang ina, mas naging close daw silang magkakapatid. “Mas nagkapitan kami, kaming tatlo dito sa Manila.”

Nanghihinayang din si Zanjoe dahil hindi na makikita ng Nanay niya ang pinatayo niyang bahay. “Sayang nga e di niya makikita… Hindi ko lang naman yun binuo para sa akin. Binuo ko rin yun para sa buong pamilya.”