• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala ba si Angelica Panganiban sa second chances sa pag-ibig?

Naniniwala ba si Angelica Panganiban sa second chances sa pag-ibig?

Nagbigay din ng detalye si Angelica Panganiban tungkol sa pagpasok ni Carlo Aquino sa bago niyang teleserye.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/13/2018 11:33 AM
Naniniwala ba si Angelica Panganiban sa second chances sa pag-ibig?


 

Sa ulat mula sa TV Patrol, sinagot nina Playhouse stars Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban ang tanong na “does love deserve a second chance.” Ayon kay Zanjoe, “ako depende sa nangyari.”

Para naman kay Angelica naman, “basta depende naman talaga yun. Kapag may love pa o di sige, pwedeng-pwede pa siguro.”

Dagdag pa ni Angge tungkol sa bago niyang teleserye, “totoo lang talaga ang tinatackle niya pero nakakatawa siya kapag pinanuod mo na… hindi namin pinabigat yung mga eksena.”

Maging ang topic daw ng annulment ay pinagaan sa Playhouse. “Yung tungkol sa annulment, hindi siya mabigat,” sabi ni Zanjoe.

Pinakahihintay din ng fans ang pagdating ng character ni Carlo Aquino. Ayon kay Angge, “Dadating siya sa buhay namin ni Marlon. Eventually ay makikilala natin ang character niya.”