Nadine Lustre nag-charity day sa Cebu

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/13/2018 10:12 AM
Nadine Lustre nag-charity day sa Cebu


Photo credit: @vivaartistsagency on IG

 

Isang charity event ang ginawa kamakailan ng aktres na si Nadine Lustre.

Sa naging Instagram post ng Viva Arrist Agency nitong Martes, September 11, kasama si Nadine sa mga nagbigay ngiti sa mga batang karamdaman sa isang ospital sa Cebu City.

 

Personal ang naging pagbisita ni Nadine sa Cebu para makapiling ng sandaling oras ang mga batang may karamdaman.

Sa ngayon, naghahanda si Nadine para pelikulang Ulan ni Irene Villamor kung saan makakasama niya si Marco Gumabao, AJ Muhlach, at Xian Lim.