• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Patricia Javier, dream come true na maging beauty queen

EXCLUSIVE: Patricia Javier, dream come true na maging beauty queen

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/13/2018 9:40 AM
EXCLUSIVE: Patricia Javier, dream come true na maging beauty queen


Photo credit: @patriciajavier1 on IG

 

Masayang ibinalita sa PUSH ni Patricia Javier nang magkita kami sa PMPC Star Awards for Music na isa na siyang beauty queen ngayon dahil nanalo siya sa Mrs. Universe Philippines Finest Women.

 “I won the title for Mrs. Universe Philippines 2019. Pang 2019 na ako. From 200 candidates naging 8 kami.

 “Then pumili sila ng 5 na grand winners. Meron kasing (Mrs.) Globe, (Mrs.) International, ako yung Mrs. Universe,” masaya niyang balita sa amin.

Mahilig ba talagang siyang sumali sa beauty pageant?

“Di ba, parati akong sumasali ng pageant noon, nung teenager ako. Last na pageant ko nung nasa San Diego California ako, yun Mrs. Asia USA. Pero nung dalaga pa ako, pinaka-major beauty pageant na sinalihan ko yung Binibining Pilipinas, 1998 yon,” sagot niya.

Eh, bakit sumali siya ulit sa national pageant tulad ng Mrs. Universe Philippines? May gusto pa ba siyang patunayan?

 “Kasi ngayon, meron kaming advocacy ng husband ko, we’re dong this health and wellness, di ba? Yon kasing sa Mrs (Universe), ang pinaglalabanan n’yo is more on sa mga advocacy.”
Ano ba ang paghahandang ginawa niya before the pageant?

“Siyempre, physically, kailangan okey ka pa rin. Kasi you will represent our country, so parang mas maganda siguro na makita nila na… alam naman nila na yung mga Pilipina, mga beauty titlists natin sobrang gaganda, di ba?

“So, eto naman yung parang sa mother side na dapat maganda pa rin.

 “Sa Q and A naman medyo madali lang kasi yung tungkol naman sa advocacy mo yung itatanong nila,” lahat pa niya.

Natatawa rin siyang ibinahagi na kung kailan meron na siyang mga anak ay saka pa raw siya naging beauty queen.

“I’m very happy na I was given an opportunity for this title. Siyempre, nung single ako, dati noon finalist lang ako, di ba? Parang sabi ko nga, kung kailan pa ako nagkaroon ng anak saka ako nagkaroon ng magandang title,” huling pahayag ni Patricia.