TNT Boys pinabilib si Jessie J

Sinabi ng international star na mas magaling pa ang TNT Boys sa kanilang version ng Bang Bang.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/12/2018 8:29 AM
TNT Boys pinabilib si Jessie J


Photo credit: @jessiej on IG (L)

 

Pinabilib na naman ng Pinoy ang international star na si Jessie J. Matapos mapahanga ni KZ Tandingan, binigyang papuri naman ni Jessie ang TNT Boys. 

Sa isang video post sa Facebook, sinabi ng singer na: "I think the TNT Boys from (the) Philippines were incredible. I'm obsessed with them." 

"They're so sweet and so talented, their 'Bang Bang' .. they did better than us," dagdag pa niya.  

Ang sinasabing "Bang Bang" ni Jessie ay ang performance ng TNT Boys sa Your Face Sounds Familiar

Mayroon nang 6.6 million views sa ngayon ang YouTube video ng kanilang nakakatuwang number. 

Ang TNT Boys ay binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez.