Kailan ba matatapos ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano?’

May inamin si Coco Martin tungkol sa pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/12/2018 11:29 AM
Kailan ba matatapos ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano?’


Photo credit to: @mr.cocomartin IG (L)

 

Tatlong taon na nitong 2018 ang hit Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa loob ng tatlong taon, napanatili ng programa ang number one rating sa primetime dahil sa init ng mga eksena .

Pero ang tanong pa din ng mga tao, paano nga ba magtatapos ang kuwento ni Cardo Dalisay?

“Honestly ‘yun ang hindi ko po alam e, kasi sabi ko ‘hangga’t may kuwento, hangga’t gusto ng mga Pilipino, an dyan padin po ang Ang Probinsyano (laughs). Matanda na si Cardo!” sabi ni Coco Martin nitong Martes, September 11, sa pictorial ng Jak Em Popoy: The Puliscredibles.

“Nakakataba ng puso. Kung titignan niyo nga, parang ang dali ng panahon, Pag ginagawa namin talaga sobrang hirap, lalo na pag sinasabi namin yung ‘for airing,’” sabi pa ni Coco.

Paliwanag ng actor, writer at director ng programa, hindi biro ang proseso ng pagbuo gabi gabi ng programa.

“Lahat ng napapanuod natin, lahat yun ay na shoot kinahapunan lang bago ang airing, kaya ‘yung kaba namin yung nerbyos na sana wag umulan, sana walang magka aberya… and after that pag napanuod mo na, yun yung fulfilment sa aming lahat,” sabi pa niya.

Aminado din si Coco minsan ay nababasa niya ang mga negatibong komento sa tagal ng tinakbo ng programa at naiinip na sa ending nito.

“Malulungkot siguro ako kapag nababasa ko na, ‘Ano ba yan? Paulit-ulit nalang ang kuwento. Bakit hindi pa tapusin.’ Siyempre yun ang nakakalungkot,” ani Coco.

Ganun pa man, mas prioridad ng actor, writer at director ng Ang Probinsyano ang makapag pasaya gabi gabi ng mga manunuod.

“Pero pag nag look forward ka na ‘yung mga tao nagugustuhan pa din ang pinapanuod nila. Nakakataba ng puso,” pahayag pa ng aktor.