Coco Martin at Maine Mendoza, super close na

Magkakaroon ba ng “pag-oover the bakod” sina Coco Martin at Maine Mendoza sa promo ng kanilang pelikulang Jak Em Popoy: The Puliscredibles?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/12/2018 2:23 PM
Coco Martin at Maine Mendoza, super close na


 

Todo paghahanda na ngayon ang mga bida ng isa sa mga pelikukang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang Jak Em Popoy: The Puliscredibles, na pinagbibidahan ni Coco Martin at Vic Sotto.

Kasama ang ibang cast ng pelikula, sumalang sa pictorial ng pelikula sina Coco Martin at Maine Mendoza kahapon, September 11. 

 

 

“Nakakatuwa kasi, parang kami sa set, kahit ilang shooting days pa lang parang family agad ang turingan namin walang ilangan,” bungad ni Maine sa press.

“At first po (naiilang), pero po ngayon, at ease na kami sa isa’t isa,” dagdag pa ni Maine.

Bukod sa ilangan, thankful din ang FPJ’s Ang Probinsyano lead star na si Coco Martin sa naging magandang samahan nila nina Bossing Vic, Maine at iba pang cast mag pelikula. Aniya, dalawang kombinasyon ng pamilya ang nagsama para sa kanilang pelikula.

“Sabi ko nga parang dalawang kombinasyon Ang Probinsyano family at Eat Bulaga ay nagsama, wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa sa set pero pag-action na, todo din kami,” dagdag pa ng Kapamilya actor.

At dahil kapwa galing sa magkalabang TV network, hindi naiwasan na maitanong ang mga posibilidad ng pagtawid nila ng mga programa para i-promote ang pelikula. 

“Meron siyempre, kumbaga ngayon naman nakakatuwa kasi open na e, makikita naman natin ang mga taga-GMA, nag-shoot ng pelikula sa Star Cinema, gumagawa din ng pelikula,” sabi ni Coco.

“Ang ano lang natin, ay magtulungan tayo sa industriya, kung paano pa tayo makakagawa ng maganda pang pelikula,” dadgag pa niya.

Gaya ni Coco, posible din kaya si Maine na makita sa ilang Kapamilya shows?

“Oo naman. Tignan natin, tignan natin,” nakangiting pahayag ni Maine.