Vina Morales, gustong magkaroon ulit ng anak

Nagpa-preserve ng kanyang eggs si Vina Morales para sa planong magkanak ulit.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/11/2018 9:51 AM
Vina Morales, gustong magkaroon ulit ng anak


Photo credit: @vina_morales on IG

 

Inamin ni Vina Morales na gusto na ulit niyang magkaroon ng anak. Siyam na taon na ang daughter niyang si Ceana at unti-unti na raw niya itong kinakausap sa posibleng pagkakaroon nito ng kapatid.

Ani Vina, “Sinasabihan ko na rin si Ceana na gusto ko na rin magka-baby. Gusto ko nang iparamdam sa kanya na I also want to have another kid.”

Eh, ano naman ang reaksyon ni Ceana sa pagkakaroon ng kapatid?

“Tumatawa lang. Hindi siya yung nagsasabi na, 'Oo, mommy, I want, I want.’ Hindi siya super excited. Siyempre nasanay na siya na siya lang for nine years, lahat ng atensiyon ko,” lahad niya.

Ang problema nga lang ni Vina ay wala siyang boyfriend ngayon.

“Yun nga lang wala pa, wala pa akong partner,” natatawa niyang reaksyon.

Sa 20th anniversary ng Ystilo salon ni Vina ay ipinagtapat din ng singer-actress ang tungkol sa ginawa niyang pagpe-preserve ng kanyang eggs. Ayon kay Vina, gumastos siya ng halos kalahating milyon sa naturang proseso pero hindi pa raw kasama do’n ang storage fees.

“Investment talaga, kasi mahal siya,” sambit niya. “Suwerte ako, I was able to save seven, healthy siya. Pero yung pangalawa, wala, hindi siya healthy.”

Eh, bakit kailangan pa niyang mag-save ng eggs gayung puwede pa naman siyang mabuntis kahit 42 years old na siya?

“I have to save kahit puwede pa naman ako mabuntis. It’s just that, maybe in the future. Basta at least meron akong na-save. Gusto ko lang talaga may healthy eggs,” rason niya.

Pero how true na meron namang nagpaparamdam sa kanya ngayon na nasa showbiz din?

“Patext-text, much younger. Pero kaibigan lang talaga for me. Hangga’t maiiwasan ko, iiwasan ko lalo na pag artista. Kasi siyempre, dumaan na ako diyan.

“Para sa akin kasi kung gusto ko nang seryoso tapos younger pa, artista?  Siyempre ang daming temptation niyan, eh, dumaan ako sa ganyang times na during taping days, you’re always together, made-develop ka mga ganyan, pero mababait naman talaga sila.

“Siguro for me, baka lang type nila ako kasi trip lang nila, you know?  So, I’m really careful kaya mas gusto ko ang hindi showbiz. A little bit younger medyo okay lang sa akin, pero ‘yung sobrang malaki ang agwat, parang hindi,” napapailing na reaksyon ni Vina.