• Home
  • Fresh Scoops
  • Klaudia Koronel, dumaan sa matinding depresyon pagkatapos ma-annul ang kasal sa Amerika

Klaudia Koronel, dumaan sa matinding depresyon pagkatapos ma-annul ang kasal sa Amerika

Inamin ni Klaudia Koronel na sinubukan niyang mag-suicide dahil sa depresyon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/11/2018 9:44 AM
Klaudia Koronel, dumaan sa matinding depresyon pagkatapos ma-annul ang kasal sa Amerika


 

Sa panayam ng PUSH sa dating sexy actress na si Klaudia Koronel kasama ang ilang entertainment press, ay naibulalas nito ang matinding depresyong pinagdaanan sa Amerika pagkatapos nilang maghiwalay ng Chinese businessman na pinakasalan niya noong August 28, 2009.

Na-annul ang kanilang kasal taong 2014.

“Three years pa lang ako nun sa Amerika, feeling ko para akong baby na, ‘Paano kaya ako mabuhuhay mag-isa?’ Dumaan ako sa ganun,” simulang kuwento ni Klaudia na pansamantalang umuwi ng Pilipinas para asikasuhin ang ilang properties na naiwan.

Patuloy niyang kuwento, “Kaya nagpaalam ako sa INC (Iglesia Ni Cristo), na ito yung sitwasyon ko, idi-divorce ako na walang dahilan. Ang alam ko lang na nakikita ko, yung ayaw lang niya i-share ang kayamanan niya (ex-husband).”

Inamin din ni Klaudina na muntik na siyang mag-suicide noon. Iniinom daw niya ang gamot na ginagamit sa mercy killing (euthanasia).

“Parang ayoko nang mabuhay, kasi pag ininom mo yun, unti-unti liliit ang puso mo. Unti-unti, mamamatay ka.

“Hindi lang yun. Nilalaslas ko rin ang sarili ko, para makita ng asawa ko, ‘Maawa ka sa akin!’” pagtatapat niya.

“Tapos, niyayakap naman niya ako, sasabihin niya, ‘Why do you have to do that? Why do you have to be depressed? Nandito pa naman ako. This is just a piece of paper,’ sabi niya. Kasi nga ayokong makipaghiwalay, eh, paper nga lang daw yun,” dugtong niya.

Kahit divorced na sila ng ex-husband ay nakatira pa rin daw sila sa iisang bahay.

“Bakit hindi niya ako pinaalis? Bakit hindi niya ako pinalayas, di ba? Kung meron na siyang ibang babae dapat sana, ‘Umalis ka na!’

“Dinadala pa rin niya ako kahit sa ibang bansa. Kaso lang bilang babae naman, dinivorce mo na ako, bakit mo pa ako gagamitin? So umiwas na lang ako, naghahanap na ako ng ibang room.

“Respeto na lang sa sarili ko, kasi sinira mo na yung marriage natin tapos dito pa rin tayo sa isang bubong?” sambit pa niya.

Parang eksena sa pelikula na idinitalye ni Klaudie na mahal pa rin daw siya ng asawa kahit divorced na sila.

Aniya, “Mahal niya ako, mahal ko rin siya. Alam mo kung bakit ko alam na mahal niya ako? Kasi bago niya ako dinivorce, may sulat siya sa akin, nakalagay, ‘I still love you, mahal kita but I have to divorce you.’”

Aware din ang aktres na hanggang three years lang silang magiging mag-asawa.

“Alam ko naman na sa simula pa lang, sa prenuptial, sinabi niya sa akin, ‘Hanggang three years lang yung marriage natin.’ Alam ko yun.

“Sa Amerika kasi, pag five years na ang marriage ninyo makukuha mo yung kayamanan ng asawa mo, half ng lahat ng kayamanan makukuha mo. Nakita ko na lang yun nung tumagal na.

“May sinusundan pala siyang legal na ano, at nakita ko naman yun noon pa. Hindi na ako umatras no’n kasi naka-set na akong ikasal. At nung ikasal ako, hindi ako masaya,” pag-amin pa niya.

Sa ngayon ay wala munang balak magbalik-showbiz si Klaudia. Aasikasuhin daw muna niya ang citizenship sa Amerika and after that saka pa lang siya magde-decide kung babalikan niya ang pag-arte sa Pilipinas.