• Home
  • Fresh Scoops
  • Megastar Sharon Cuneta, may advice para sa mga batang singers ngayon

Megastar Sharon Cuneta, may advice para sa mga batang singers ngayon

Sharon Cuneta, ipinagdiwang ang ika-40th showbiz anniversary sa Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/10/2018 4:19 PM
Megastar Sharon Cuneta, may advice para sa mga batang singers ngayon


 

Naging emosyonal ang Megastar na si Sharon Cuneta sa episode ng Magandang Buhay, September 10, nang sorpresahin siya ng mga The Voice Kids finalists, TNT Boys, at maging ang mga momshie-hosts ng programa.
 
Kinanta ng mga batang singers na sina Jeremy Glinoga, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Antonetthe Tismo, at ng mga TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto and Kiefer Sanchez ang mga sikat na awitin ng Megastar.
 
Panoorin dito:



 
Sa nasabing episode, ipinagdiwang ni Sharon ang kanyang 40th anniversary sa showbiz industry. Pina-alalahanan din ng Megastar ang mga batang singers na manatiling mapagkumbaba.
 
“There’s so many good performers, pero mano-notice mo ang hahanapin ‘total package.’ It doesn’t matter kung lagi kang maganda, lagi kang gwapo. What matters is, when you have a good heart, it shines through (you).”
 
“Laging bilin ko sa kanila, ‘laging magpakumbaba, wag lalaki ulo. Kasi ‘pag lumaki ulo, start na ‘yan ng downfall mo,’” dagdag pa ni Sharon.
 
Ayon sa kanya, lagi niyang sinasabi ang advice na ito dahil importante ito sa kanya bilang nagsimula rin siya nang bata pa siya. “Hindi ako nagmi-miss ng opportunity to say that. (Because) that was important to me growing up, kasi I started at 12.”
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#Repost @juansarte with @get_repost ・・・ Sharon #1nmymakeupchair

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on