Libreng edukasyon, handog ni Apl de Ap sa kabataang pinoy

Sa kasalukuan mayroon nang 20 scholars si Apl sa Innovation and Creative Enterprise.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/10/2018 8:30 AM
Libreng edukasyon, handog ni Apl de Ap sa kabataang pinoy


Photo credit: @apldeap on IG

 

Bagong advocacy ng Pinoy international artist na si Apl De Ap ang inilunsad noong Sabado, September 8.

Katuwang ang Thames International school, British School Manila at Department of Trade and Industry todo ang suporta ni Apl De Ap para sa creative Pinoy students.

“I’m an advocate for the creative industry because I’m a direct product of one. I’m one of the lucky ones that was given an opportunity to strive in the creative and music industry. I became part of the Black Eyed Peas so i just want to pay it forward,” sabi ni Apl de Ap sa PUSH at ABS-CBN News.

Kasama ang kanyang partner institution, kasalukuyan ngayon na naghahanap si Apl ng scholars, na magiging isang break para sa kabataang Pinoy.

“To teach each other Filipino in creatives, the entrepreneurship, the value of the products and also themselves so I’m a direct product of one thats why I’m forward for the creative industry,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Apl, never ending ang advocacy niya, na ang layunin ay mabigyang pag-asa ang marami pang kabataan sa pag-abot ng kanilang pangarap.

“Definitely it’s one of my passions to help other Pinoys especially creative ones,” pahayag pa niya.

Naniniwala si Apl na marami pang Pinoy talent ang madidiskubre at makikilalang world class talent.