• Home
  • Fresh Scoops
  • Asian Games gold medalist Margielyn Didal, ibinahagi kung pano siya nagsimula sa sport na skateboarding

Asian Games gold medalist Margielyn Didal, ibinahagi kung pano siya nagsimula sa sport na skateboarding

Sumali na din si Margielyn sa Street League Skateboarding sa London.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/10/2018 8:54 AM
Asian Games gold medalist Margielyn Didal, ibinahagi kung pano siya nagsimula sa sport na skateboarding


 

Sa ulat mula sa Rated K, kinwento ng 19 year-old Asian Games 2018 gold medalist na si Margielyn Didal kung paano siya nagsimula bilang skateboarder. 

Tubong Lahug, Cebu si Margielyn at 12 years old siya nang magsimula siyang matuto mag-skateboard. Ayon sa ulat, nanghihiram lang si Margielyn ng board sa mga skateboarders na nagpapahinga para lang makapag-ensayo. “Nung first time ko mag-ride, nakita nila parang kumportable ako mag-ride. After a week, second ride ko ng board, nakagawa ako ng trick na dapat magte-take ng six months or one year.” 

Matapos nito, ginagamit naman ni Margielyn ang kita niya sa pagtulong sa kanyang ina sa pagbenta ng diyaryo at pagiging barker para lang makapag-renta ng skateboard. 

Dahil din sa pagmamahal sa sport, grade six lang pa lang ang natapos ni Margielyn. Noong una rin, tutol ang magulang ni Margielyn dahil daw sa delikado ang tingin nila sa skateboarding. Pero dahil pursigido si Margielyn ay sinuportahan na lang nila ito.  

Naimbitahan na rin si Margielyn maglaro sa Street League Skateboarding sa London kung saan nagkamit siya ng 8th place. Ayon sa ulat, isa ito sa biggest skateboarding competitions sa mundo. Si Margielyn din ang kauna-unahang Pinay na naimbitahan sa X-Games. 

Ibinahagi din ni Margielyn kung bakit nagustuhan niya ang skateboarding. “Every time na gusto mong makuha yung trick kahit natutumba ka ilang beses pero pag na-land mo yun sobrang saya mo.”