Ano ang tipid tips ni Ice Seguerra at The Company?

Apektado din daw ang OPM artists ng mataas na presyo ng mga bilihin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/10/2018 8:27 AM
Ano ang tipid tips ni Ice Seguerra at The Company?


 

Todo paghahanda na ngayon sina Ice Seguerra at The Company para sa first leg ng kanilang provincial concert tour sa Cebu City.

Almost sold out na ang kanilang concert tickets at nagpapasalamat sila na kahit mahirap ang buhay ay pinipili pa din sila panoorin ng kanilang mga taga-hanga.

At dahil dito, naibahagi ng mga OPM artists ang kanilang tips sa pagtitipid ngayong mataas ang mga bilihin.

“Ako talaga masasabi ko tipid na tipid ako,“ sabi ni Ice sa naging panayam sa kanya sa concert press conference nila nitong weekend. 

Ang pag-uulit ng kanyang outfit tuwing concert ay isa sa kanyang tipid tips.

“Yun naman parati ang outfit ko, tipid ako eh! Pero yung barong RIP (laughs).Yung barong ko kasi isa lang! Kapag may show na kailangan ng barong yun at yun din ang sinusuot ko,” masayang kwento ni Ice.

Gaya ni Ice, si Teacher Annie Quintos din ng The Company ibinahagi na ang sikreto daw ay ang accessories at styling para magmukhang bago ang kanilang outfit tuwing performance.

“Yes, we always have to re-use the clothes, the costumes that we have. So we make it a point that we get good quality clothing,” sabi naman ni Teacher Annie.

Kung tipid tips ang naging tema ng usapan, walang pagtitipid na magaganap sa kanilang upcoming concert sa September 15 sa Waterfront Hotel sa Cebu.

Kuwento ni Moy Ortiz ng The Company, pinag aaralan na nila ang ilang Visayan songs para sa kanilang Cebuano audience.

“Gawa naman kayo ng Visayan na kanta, so currently we are arranging a new song in acapella, The Company style. Tapos sinabihan na rin kami ng members ng media sa Cebu na ‘utang na loob wag ng usahay’ iba naman,” masayang pahayag ni Moy Ortiz ng The Company.

Ito ang muling pagsasama ni Ice at ng The Company matapos ang Manila leg ng kanilang Valentine show last February.