• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, aprubado ang bagong inspirasyon ni KC Concepcion

Sharon Cuneta, aprubado ang bagong inspirasyon ni KC Concepcion

Ibinahagi din ni Sharon Cuneta ang regalo para sa sarili para sa kanyang 40th anniversary sa showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/1/2018 12:29 PM
Sharon Cuneta, aprubado ang bagong inspirasyon ni KC Concepcion


Photo credits: @reallysharoncuneta IG (left) & @itskcconcepcion IG (right)

 

Todo paghahanda na si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang Sharon My 40 Years concert ngayong Septyembre 28 sa Araneta Coliseum.

 

Dahil ito’y isang milestone sa kanyang karera, isang regalo daw para sa sarili ang plano bilhin ni Sharon.

“Pinag-iipunan ko pa (laughs)! Gusto ko bumili ng bahay. Hindi ko alam kung saan,” bungad ni Sharon.

Bukod sa planong regalo para sa sarili, maituturing din na regalo ni Megastar ang kaligayahan ng kanyang mga anak kabilang ang panganay na si KC Concepcion.

Kamakailan, ipinakilala na ni KC sa social media ang kanyang non-showbiz na inspirasyon.

Read: Kathryn Bernardo to join Sharon Cuneta and Richard Gomez's reunion movie

“Kung saan liligaya siya, doon ako. I’m glad he’s back, I’m excited to see him again. I’m really close to him (KC’s new Inspiration),” ani Sharon.

 

Maria Kristina Cassandra, THIS ONE. This boy I have loved (and missed) for years. This boy Mita loved. This one. My full approval, with all my heart and soul. This one. I pray for your love and for forever. I am so happy for you, my beloved princess. A second chance with your prince. Do not waste it or you will NEVER forgive yourself. Or forget. I love you with all my heart! And Happy Birthday my dear, dear Pierre! God bless you two. ❤️❤️❤️👏🏻👏🏻👏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻😊😘🤗🌷🌺🌸#Repost @itskcconcepcion with @get_repost ・・・ HAPPY BIRTHDAY to the truest gentleman I know. He taught me how to be a lady & allow a man to pour the bottles of water or wine, he eats AFTER I take my first bite, he still kindly opens doors, speaks gently, argues fair, is wildly affectionate & respects all that I am. Chivalry is NOT dead! 🇫🇷😅♥️ . Thank you for flying me over & having me here in Paris with you for this special day, I appreciate you & all you do, in every language we speak together! xx

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

 

 

Warm, genuine, timeless. 🛫✨🌎

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

 

“Basta nirerespeto, inaalagaan at sobrang mahal ang anak ko at importante mahal ang anak ko, I will support. Basta this one has my approval,” paliwanag pa niya.

Pagdating naman sa kanyang career, looking forward na din daw si Megastar para reunion project nila ni Richard Gomez kasama si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Sharon, nagsimula na sila mag-bonding ni Kathryn na first time niya makakasama sa pelikula.

“Oo nag-start na kami, when she was in Amsterdam, when I found out na she’s in the movie at tinanong nila ako, ‘Okay ba si Kathryn sa ’yo?’ Sabi ko, ‘Oo naman.’ So I made an effort to send her private message on Instagram,” sabi pa ni Sharon.

“And wala akong naririnig about her kundi magaganda. Napakabait daw na bata, kita naman so parang mamahalin ko rin ito,” pahayag pa ni Shawie.

Hindi din itinanggi ni Sharon na posibleng magkaroon ng second night ang kanyang 40th anniversary concert dahil sa walang sawang suporta ng kanyang Sharonian fans.