• Home
  • Fresh Scoops
  • Michelle Vito, gustong tularan ang career path ni Julia Montes

Michelle Vito, gustong tularan ang career path ni Julia Montes

Nagbigday din ng pahayag si Michelle Vito tungkol sa sinapit ng kanyang pelikula na ‘Dito Lang Ako’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/1/2018 10:59 AM
Michelle Vito, gustong tularan ang career path ni Julia Montes


 

Ibinahagi ni Michelle Vito ang posibleng dahilan kung bakit hindi gaanong kumita ang pelikula nila ni Jon Lucas na Dito Lang Ako na prinodyus ng Blade Productions.

“Kami, napag-usapan din namin yon, kaming mga artists with the producers na talaga ngang pressured kami kasi since nga, ang Blade kasi wala pa silang ganun kakilala."

So nahirapan din sila na maghanap ng market and TV guestings and hindi pa sila sanay sa mga lakaran when it comes to maglabas ng movie, promotion, and ganito-ganyan. I think, malaking part din yon na dahil nga bago hindi siya mas na-promote nang maayos, medyo apektado.

“Pero okay naman sa amin nina Jon na kahit hindi ganun talaga tinangkilik ng tao yung Dito Lang Ako. Yung experience namin do’n, yon talaga yung tinreasure namin. Yung producer namin hindi rin naman talaga sila nag-i-expect o na-feel bad don sa nangyari,” dire-diretsong paliwang ni Michelle sa PUSH.

Nainterbyu namin si Michelle sa red carpet premiere ng pelikulang Petmalu ni Direk Joven Tan na pinagbibidahan din nina Vitto Marquez, Diego Castro, Marlo Mortel, Jairus Aquino at marami pang iba. Showing na ang pelikula sa September 5.

Ipinahayag din ni Michelle sa PUSH na hindi rin niya kontrolado kung anuman ang mangyayari sa pelikulang ginagawa niya. Mas concern daw siya sa role na gagampanan niya.

“Kapag gumagawa po ako ng movie, hindi po pumapasok sa utak ko na, ‘Ay, ano ‘to, kikita ito, kukunin ko ito. O, ay hindi ito kikita, hindi ko ito kukunin.’ Hindi pa po nangyari sa akin na may tinanggihan ako dahil inisip ko na hindi siya kikita.

“Hindi rin po ako namimili ng role na gagawin. Siyempre, bawat proyekto po na iyan iba-ibang role yan, iba-ibang eksena, so yon po ang mahalaga sa akin,” rason ng dalaga.

Regarding her personal life, inamin ni Michelle ang pagiging sobrang protective ng parents niya na dahilan daw kung bakit wala pa rin siyang boyfriend kahit 20 na siya.

Kuwento niya, “Ang parents ko talagang protective sa akin. Si daddy, pulis pa yan, so mahigpit. Kung si daddy mahigpit mas mahigpit pa si mommy.

“Hindi lang sa guys, eh. Kahit, kunyari sa friends, kahit lumabas kami o mag-malling, mahigpit pa rin sila. So, ngayon lang medyo nagiging maluwag. At saka ngayon, hindi pa ako nakakalabas talaga na ako lang, dapat laging may kasama.”

Gusto rin ba niyang magkaroon ng ka-love team?

“Oo naman. I think puwede pa naman siya kasi 20 pa lang naman ako,” sagot niya.

Naniniwala ba siyang makakatulong sa career niya ang pagkakaroon ng ka-love team?

“Makakatulong siya talaga. Hindi naman po natin madidenay na kapag may ka-love team ka, lalo na kapag nagklik at nagustuhan ka ng tao at kiligin sila malaking bagay po talaga yon.

“Pero like po si Ate Julia Montes, wala naman talaga siyang love team, pero umangat yung career niya. Solo lang siya pero may teleserye siya, so hindi din po natin masasabi talaga yung mangyayari sa career ng tao.

I think ako, gusto ko lang din ma-experience talaga na magka-love team din ako. Kung hindi man, sana yung career na maging path ko like ate Julia na kahit solo lang, na walang ka-love team sana po maging ganun,” huling pahayag ni Michelle sa PUSH