Tambalang McCoy de Leon at Elisse Joson, buwag na nga ba?

Thankful pa din daw si Elisse Joson sa mga proyekto na dumarating sa kanila ni McCoy De Leon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/9/2018 11:59 AM
Tambalang McCoy de Leon at Elisse Joson, buwag na nga ba?


Photo credit: @hashtag_mccoydl (R) on IG

 

Aminado si Elisse Joson na madalang na sila mag-usap ngayon ng ka-love team na si McCoy de Leon.

Sa naging panayam kay Elisse sa red carpet premiere ng Nandito Lang Ako nitong Lunes, August 6 sa Megamall, ibinahagi ni Elisse na madalang na sila mag-usap at magkita ni McCoy.

“Hindi po kami masyado nagkakausap ngayon e. Pero [nung] nag-usap kami the last time, okay naman po kami. Pero hindi na po kami nag-uusap talaga like regularly,” sabi ni Elisse.

 

Thank you METRO for having us ❤️

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn) on

 

Kuwento pa ni Elisse, may kanya-kanyang muna silang proyekto ngayon ni McCoy na labis nilang ipinagpapasalamat sa ngayon.

“Hindi ko po alam actually. Okay naman po kami na binibigyan kami ng separate work and individual projects, okay naman po,” sabi pa niya.

Kuwento ng dalaga na iba-ibang reaksyon ang kanyang natatanggap sa kanilang mga fans.

“May mga fans na siyempre, hindi okay sa kanila, iba iba po ang reaction. May mga iba naman they’re understanding din and yung iba naman po pinapakita pa din ang suporta sa amin whether individual or together,” sabi pa niya.

Hindi man daw sila magkatrabaho ngayon ni McCoy, naniniwala pa din daw ang dalaga na may rason ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ngayon.

“Hindi ko naman din po expected na magkakaroon ng ganito or anything, pero I think lahat naman po may rason talaga,” pahayag pa ni Elisse.