• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez, ibinahagi ang pinaka-down na moment ng buhay niya

Sue Ramirez, ibinahagi ang pinaka-down na moment ng buhay niya

Nagpapasalamat si Sue Ramirez na nabigyan siya ng lead role sa pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/9/2018 9:30 AM
Sue Ramirez, ibinahagi ang pinaka-down na moment ng buhay niya


 

Ideal daughter na maituturing ang bida ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi na si Sue Ramirez. Base sa kuwento niya, isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa kanilang bahay sa Parañaque para sa kanyang work sa Quezon City bilang aktres.

“Last year, kinailangan ko pong mag-move-out sa bahay para sa trabaho ko po kasi malayo, taga-Parañaque po kasi ako. That was the most parang pinaka-down moment ng buhay ko, nung umalis po ako sa bahay namin. Kasi lumaki po ako na kasama lahat ng kapatid ko and yon nga, napalayo ako sa mommy ko,” pagtatapat pa niya.

Nami-miss daw niya ang mga panahong kasama niya ang mommy niya sa bahay.

“Hanggang ngayon po kung umuuwi po ako sa bahay, sinusubuan pa rin ako ng nanay ko pag kumakain. Hindi na po niya ako hinahandaan ng pinggan pag kumakain kami kasi sinusubuan niya ako.

“Katabi ko rin po siyang matulog. Kaya sobrang mahirap po talaga for me nung umalis po ako sa amin,” pagre-recall pa ng dalaga.

Binalikan din ni Sue ang kanyang kabataan at sinabing naging napakasaya ng kanyang childhood days.

“Nagsimula po akong mag-artista actually medyo late na. Yung iba kasi 7 years old, 6 years old nakikita na natin sila sa TV. Thirteen years old na po ako nag-start. Wala kaming WiFi dati. Yung dial up lang, late na kami nagkaroon non.

“Lumaki po ako na naglalaro ng mga larong pambata do’n sa labas ng bahay talaga. Nasa playground—touch kampi, base 1-2-3, patintero—yon po yung mga laro na kinalakihan ko talaga. I think I’m very lucky na umabot po ako do’n sa generation yon na nakapaglaro pa sa labas ng bahay.

“Ngayon kasi po, yung mga bata nao-observe natin, mahilig na sila maglaro online, mga online gaming, naglalaro sa tablets. Siguro kasi, nung panahon na bata pa ako mas safe pa yung… parang wala pang masyadong harm saka danger sa labas kaya safe pang maglaro sa labas.

“Sobrang na-enjoy ko po talaga yung childhood ko. Ang pinaka-favorite ko po siguro na memories before nagkasakit po yung daddy ko, lagi kaming nagsu-swimming tuwing Linggo kasama yung buong pamilya namin,” masaya niyang kuwento.

Samantala, sobrang grateful and thankful ni Sue na binigyan siya ng IdeaFirst Company na magbida sa Ang Babaeng Allergic sa WiFi na showing on August 15 bilang isa sa mga pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Reaksyon ni Sue, “Actually, sobang surreal yung pakiramdam. Hindi po ako makapaniwala , saka wala po akong ibang nararamdaman kundi pagiging grateful lang saka thankful sa mga challenges na naibibigay sa akin.

“Siyempre, sa dami-dami ng mga mahuhusay na artista napakasuwerte ko po talaga na nabigyan ako ng mga ganitong kakaibang proyekto.”

Hindi rin daw importante sa kanya kung siya ang bida o support lang sa isang project.

“Wala naman po yon sa kung title role ka o kung ikaw ang bida dito sa isang project na ginagawa mo. Nasa iyo po yon kung anong effort yung ibibigay mo don sa trabaho na ginagawa mo.

“Siguro, more than your role po, parang dapat lang na 100 percent yung ibibigay mo. Kung hindi po hundred percent, kung kaya ko pang higitan gagawin ko po,” pahayag pa ni Sue.

Ang Babaeng Allergic sa WiFi is under the direction of Jun Lana. Playing Sue’s love interests in the film are Jameson Blake and Markus Patterson.