Hamon ng mga ballet dancers, ibinahagi ni Lisa Macuja

Malaking hamon din sa Ballet Manila ang pagkonti ng bilang ng mga intresado sa Ballet.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/9/2018 11:50 AM
Hamon ng mga ballet dancers, ibinahagi ni Lisa Macuja


 

Todo paghahanda na ang Ballet Manila sa pangunguna ni Lisa Macuja para sa latest season ng dance company na Tour De Force.

Ayon kay Lisa na tumatayong artistic director ng Ballet Manila, pinaghahandaan na din nila ang kanilang 25th year sa production.

“Nag pe-prepare na kasi kami for our 25th season and 25th anniversary. Ang programa na pinili ko talaga is tinitingnan ang history ng Ballet Manila,” sabi ni Lisa.

Bahagi rin ng 25 years ang tagumpay at frustration ayon sa prima ballerina. Pero para sa kanya, nakikita niya ito bilang challenge sa kanyang ballet company.

“May konting halong lungkot, may hinanakit na ang dami dami trabaho, gastos, investment of time, money, and emotions, tapos konti lang ang nanonood pero at the same time lagi kaming challenged especially now as director na ano ang pwede ko i-present sa tao na gagawa ng malaking ingay sa public,” pahayag ni Lisa.

Magsisimula na ngayong September 1 ang bagong season ng Ballet Manila na “Iconic One” at “Iconic Two”.