• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Richard Somes, inamin na nameligro si Erich Gonzales sa kanilang pelikula

Direk Richard Somes, inamin na nameligro si Erich Gonzales sa kanilang pelikula

Idinetalye ni Direk Richard Somes kung ano ang reaksyon ni Erich Gonzales sa kanyang buwis buhay na eksena.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/9/2018 9:37 AM
Direk Richard Somes, inamin na nameligro si Erich Gonzales sa kanilang pelikula


 

Nine days kinunan ni Direk Richard Somes ang pelikulang We Will Not Die Tonight na pinagbibidahan at kino-produce din ni Erich Gonzales. Ayon sa director, pikit-mata ang ginawa ni Erich na paglalabas ng pera bilang co-producer ng pelikula.

“What’s exciting about Erich as an entrepreneur and as a businesswoman, pikit-mata na siya kaagad. After five days when she saw the trailer, sabi niya, ‘This is the last money I have, let’s do it,’” kuwento ng director kung paano nagsimula si Erich bilang producer.

Ayaw namang aminin ni Direk Richard kung totoo ang balita na naglabas si Erich ng P10M para sa pelikula.

“Secret na yon. So, we just hope na it could generate a wider audience,” pag-iwas niya sabay tawa.

Hindi naman maitago ni Direk ang pagkabilib niya kay Erich.

“Honestly, bilib talaga ako kay Erich. Ibang klase siya,” sambit pa niya.

Dagdag niyang kuwento, “A small insight lang, she was just 19 nung first namin na trabaho sa Corazon (Ang Unang Aswang) and do’n pa lang nakita ko na at sabi ko, this girl is special.

“Kasi meron na do’ng eksena na kailangan niyang kumain ng sarili niyang baby, ginawa niya yon at naging kontrobersyal yon. Lahat na lang yata ng edgy na ano ginawa na namin, mas lalo na sa Mariposa na may ini-skin (binalatan) siyang isang animal.

“And then nagpa-prosthetic siya buong mukha niya sa 50 percent of the film. So, kung ikaw ang director hindi ka ba mae-excite na ganun ang energy ng artista mo.”

Sobrang devoted din daw si Erich bilang aktres sa We Will Not Die Tonight.

“May mga scenes si Erich na talagang alam mo na pagod na siya but kailangang gawin at gagawin naman niya ng walang reklamo. Sa pagiging ganun ka-devoted ni Erich sa project, gusto niya na siya lahat yun gumawa ng mga eksena niya,” sambit pa ng director.

Naikuwento rin ni Direk Richard ang dalawang insidente na nanganib ang buhay ng aktres habang sinusyuting ang pelikula.

“She almost risked her life four times. Number one, nung natanggal siya sa live na barb wire kasi she needs to cross the ceiling at kailangan niyang talunin yung barb wire talaga. So nung tinalon niya nag-shoot siya do’n sa barb wire. Hindi na siya makabitaw sa tubo kasi pag bumitaw siya mapupugutan siya ng ulo, eh.

“So, lahat kami hinawakan yung paa niya para hindi siya ma-push at ma-steady siya para maputol yung wire. Sabi ko, ‘tama na ‘to, tama na ‘to.’ Pero ginawa pa niya ulit.

“Ang pangalawa, yon yung medyo major, kasi hindi namin ma-trace kung saan yung issue nung nakuryente talaga siya sa elevator. Dahil sa lakas talaga ng kuryente kaya natapon talaga siya.

“So, sabi ko, scratch na natin itong scene kasi it’s too dangerous, pero nagalit siya sa akin. ‘Bakit tinanggal mo? Gawin natin ngayon ito.’ So ginawa rin namin yon nung last day,” kuwento pa niya.

Showing na ang We Will Not Die Tonight sa August 15 as part of Pista ng Pelikulang Pilipino. Kasama rin niya sa pelikula sina Thou Reyes, Alex Medina, Sarah Abad at marami pang iba.