• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo on being a late bloomer: ‘Sana jumowa ako ng jumowa’

Sarah Geronimo on being a late bloomer: ‘Sana jumowa ako ng jumowa’

The Miss Granny star admits she has realized the importance of education and wishes to have had an “inspiration” at a younger age.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/8/2018 11:07 AM
Sarah Geronimo on being a late bloomer: ‘Sana jumowa ako ng jumowa’


 

Blooming na Sarah Geronimo ang nakapanayam ng entertainment press noong Martes, August 7, para sa kanyang bagong pelikula na Miss Granny.

Gaya ng kanyang karakter na nakabalik sa kanyang kabataan, naitanong kay Sarah kung anong parte ng kanyang buhay ang gusto niyang balikan.

Unang pumasok sa kanyang isip ang kahalagahan ng pag-aaral.

“Gusto ko maging better student noong high school ako (laugh), kasi sobra ko na enjoy lang actually pati elementary na rin ano, yung time kasi noong bata pa ako rumaraket na rin ako noon eh, napaka-importante pala na magseryoso ka sa pag-aaral, hindi siya para sa mga magulang mo kundi para sa iyo,” bungad ni Sarah.

Aminado si Sarah na gaya ni Miss Granny, may mga pagkakataon din na ramdam niya ang kanyang mabilis na pagtanda dahil sa kaliwa’t kanan na trabaho.

At pagbibiro ni Sarah na sana ay maaga siyang nagkaroon ng inspirasyon.

“I feel old! Na nagpa-panic na nga ako eh, feeling ko late bloomer ako. Sabi ko nga ‘sana jumowa ako ng jumowa’ (laugh),” sambit pa ng singer.
 
“Sana pala naging exposed, hindi naman exposed na kinalimutan mo na ang values mo and all that, gusto ko lang na hindi ka naging naive,” paliwanag niya.

Sa kabilang banda, ikinuwento din ni Sarah ang simpleng pagsalubong niya ng kanyang 30th birthday noong July 25. 

“Nag-stay lang ako sa bahay noong birthday ko! Oo birthday ko talaga nasa bahay lang talaga ako, ninamnam ko lang na wala ako trabaho nakahilata lang ako sa bahay, nakahilata talaga! Kain lang ng kain! Nanonood lang ng Netflix at inenjoy ko ang rainy weather,” masayang pahayag ni Sarah.

Mapapanuod ang Miss Granny ngayong August 22 at kasama ni Sarah sina Xian Lim at James Reid, sa direksyon ni Joyce Bernal.