• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales, umamin na ang asawang si Kim Jones ang kanyang ‘greatest critic’

Jericho Rosales, umamin na ang asawang si Kim Jones ang kanyang ‘greatest critic’

Tinulungan daw ni Kim Jones si Jericho Rosales sa kanyang pag-aarte sa ‘Halik’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/8/2018 9:50 AM
Jericho Rosales, umamin na ang asawang si Kim Jones ang kanyang ‘greatest critic’


Photo credit: @kimcamjones (R) on IG

 

Ayon kay Jericho Rosales, malaking challenge sa kanyang acting ability ang bagong seryeng Halik ng ABS-CBN. Malaking tulong din daw sa kanya para maging believable ang character niya sa show ang asawang si Kim Jones.

“I’m an actor, that’s my job.  And the only person that knows when I’m acting or not is my wife. So I really have to challenge myself to…

“My wife is my greatest critic. Pag sinabi niya sa akin na, ‘Yan na naman,’ or ganito-ganyan. So, may extra challenge for me to work harder so that’s what’s happening sa set, di ba? Si Kim, she really pushes me to be the best, eh.  She’s telling me, ‘Really, that’s it?’ She reads my script sometimes,” kuwento ni Jericho sa interbyu ng PUSH.

Ipinagmalaki rin ng aktor na nagdidirek na rin ang misis niya ngayon.

“She’s a director now. She directed her first short film, nasa website niya yon. Medyo intellectual yung ano niya, eh.  Alam mo si Kim, I love my wife, she’s very intelligent person. Nagmumukha akong matalino sa tabi niya,” sabay ngiti ng aktor.

Pinapurihan naman ng aktor ang katrabaho sa Halik na si Yam Concepcion sa mga eksenang kasama niya ang aktres.

Aniya, “I get excited to work with her kasi nakikita ko yung growth niya and she started na may kaba sa puso niya nung time na yon. Pero now, nakita ko na yung confidence niya. May effort na sa kanya para magalit. Nakikita ko siyang ginagawa niya yung homework niya.

“Sometimes, inaakay ko siya, inaalalayan ko siya sa mga eksena. And I get excited to share kung ano yung mga nalalaman ko dati. Parang for me nga, ang lakas maka-beterano nito. Hahaha!”

Eh, how about working with Sam Milby, magkakaroon ba sila ng kabugan sa pag-arte sa Halik?

“Meron. Alam mo yon kasi we have to perform. Kumbaga, siyempre ginagalingan namin pareho,” sagot ni Echo.

Patuloy niya, “But  the best thing about it is that we work together. Hindi kami yung nasa sarili naming tent na, ‘Ah, ganito yung gagawin ko para gugulatin ko si Sam.’ Hindi. We work on the scene together.

“We actually discuss na, ‘Ito dapat yung gawin natin.’ Si Sam, minsan nagtsi-check ng tips sa akin. Ako naman minsan, ‘Sam, what do you think of this? Maybe we should this.’ So it’s very collaborative. And I’d rather work with the collaborative person than an amazing actor who doesn’t want to work with other actors,” tinuran niya tungkol kay Sam.

Kasama rin sa cast ng Halik si Yen Santos na gaganap na ex-girlfriend ni Jericho at asawa naman ni Sam. Simula na ng Halik sa August 13 sa ABS-CBN primetime bida.