• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid, aminadong kinabahan sa mga eksena kasama si Sarah Geronimo

James Reid, aminadong kinabahan sa mga eksena kasama si Sarah Geronimo

Ayon kay James, nagpasama pa siya kay Nadine Lustre sa first shooting day ng pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/8/2018 3:35 PM
James Reid, aminadong kinabahan sa mga eksena kasama si Sarah Geronimo


 

Kahit first time na hindi makakasama ang ka-love team na si Nadine Lustre sa isang pelikula, ibinunyag ni James Reid na kasama niya pa din ang real life girlfriend sa mga unang shooting days ng pelikulang Miss Granny.

Kabado daw kasi si James na makatambal sa unang pangkakataon ang Popstar Royalty at box-office queen na si Sarah Geronimo. 

“I was nervous. I’m with Nadine at first, almost everyday we’re together. So luckily it’s a comedy, it’s a light film, I might have struggled at first because I’m comfortable (doing movies) with Nadine,” paliwanag ni James.

Magkahalong reaskyon din ang natanggap ni James mula sa JaDine dahil magkahiwalay sila ng proyekto ni Nadine pero sorpresa pa din ng dalawa sa fans ang kanilang mga upcoming solo projects.

“From what I hear it’s mixed, some are for it, some are against it. I think that fans don’t really know what they want. I’m just saying ‘what they want is a big surprise’ they should leave it to us to surprise them something they might actually like,” sabi pa ni James.

Mula naman sa mga trending sexy pictures ni Nadine sa social media, paliwanag ni James dumadaan muna ang lahat ng ito sa kanya bago i-post ni Nadine sa kanyang social media account.

“For me it’s still within my limits but there are limits. It’s ok. If it is good, she asks me first,” nakangiting sabi ni James.

Matapos ang Miss Granny, isusunod na ni James ang Pedro Penduko movie kung saan ay puspusan din ang kanyang training para sa ilang maaksyong mga eksena dito.