• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Erik Matti reveals that the role of Valentina in ‘Darna’ has been cast

EXCLUSIVE: Erik Matti reveals that the role of Valentina in ‘Darna’ has been cast

Director Erik Matti drops hints about what to expect in the ‘Darna’ movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/8/2018 9:57 AM
EXCLUSIVE: Erik Matti reveals that the role of Valentina in ‘Darna’ has been cast


Photo credit to the owner (R)

 

Ayon kay Direk Erik Matti, napakalaking pelikula ng Darna na kasalukuyang niyang ginawa. Ang Darna ay pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Liza Soberano mula sa ABS-CBN Films at Star Cinema.

Pagre-reveal pa niya, “Yung Darna is probably five times bigger ng Buy Bust, pati hirap. Lahat, yung size, yung scale, yung bigat ng pelikula, yung laki ng pelikula.

“Adventure kasi yon, eh. May action ka, may CG ka. Sa Darna, I want to do it right.”

Isang serious na super hero movie din daw ang Darna ni Liza bukod sa isa rin itong ambitious project.

The way nag-usap kami ng ABS, sabi ko, lagi na lang pag gumawa tayo ng ambitious na project, lalagyan na lang ng sobrang daming comedy kasi hindi magawa yung ambisyon ng movie, di ba?

“So yung costume gagawin na lang parang kengkoy, so sabi ko for Darna, and they wanted that way, Star Cinema and ABS-CBN really wants it to be a serious real superhero movie. So, ganun yung atake, na parang let’s plan this right, let’s rehearse it, let Liza train,” lahad niya.

Marami-rami na rin daw siyang nakunang eksena ni Liza pero wala pa raw yung lumilipad ang dalaga bilang si Darna.

“Hindi pa namin siya napapalipad. Ang dami ko pang inaayos,” balita niya.

Kitang-kita rin daw niya kung gaano ka-devoted ang aktres sa project.

“Sobrang bigay todo siya sa syuting. Lahat ginagawa niya. Kailangan niyang mag-tone, magka-muscle kaya diretso yung naging training niya.

“Pero hindi naman siya nagpapapayat. Dahil sa training niya kaya lumiliit siya. Pero hindi siya nagpapapayat kasi payat naman siya,” kuwento pa ng director.

Nagbigay din ng reaksyon si Direk Erik sa ilang comments ng netizens na lampa si Liza at hindi bagay maging Darna.

“Grabe naman sila. Ganyan talaga ang mangyayari diyan. Lahat ng tao may opinion hangga’t di pa nila nakikita yung pelikula,” depensa niya.

“Si James Bond pinalitan ni Daniel Craig, ang sabi, ‘Ay ba’t hindi guwapo?’ Nung lumabas sa pelikula, umahon sa tubig na naka-trunks, wala na, nagustuhan na nila.

“Ganyan din kay Liza, lahat yan may opinion. Lahat yan magsasabi, ‘ay pangit, ay ganito, ay lampa,’ eh, opinion nila yon. Hintayin muna nila yung pelikula,” he said.

Kompleto na rin daw ang cast. May nahanap na rin silang gaganap ng Ding at Valentina.

“Kompleto na ang cast. Hindi ko lang puwedeng i-reveal,” sabay tawa niya na halatang umiiwas.

Maging ang costume ni Darna ay okey na rin daw.

“Hindi naman puwedeng iba yung costume niya sa dating Darna.”

May pa-abs ba at pa-cleavage si Liza sa costume niy sa Darna?

“Ay siyempre, hindi naman puwedeng…” bitin niyang pahayag na sinundan ng malutong na halakhak.