• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana, di na daw masyadong conscious kung kumita ang mga pelikula

EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana, di na daw masyadong conscious kung kumita ang mga pelikula

Dalawang pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana sa Pista ng Pelikulang Pilipino, parehong Graded A sa CEB.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/8/2018 10:00 AM
EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana, di na daw masyadong conscious kung kumita ang mga pelikula


 

Dalawa sa pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino—ang The Day After Valentine’s at Bakwit Boys—ay sinulat at idinirek ni Jason Paul Laxamana. Nakakuha ang dalawang pelikula ng Graded A mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang The Day After Valentine’s ay prinodyus ng Viva Films samantalang ang Bakwit Boys naman ay handog ng T-Rex Entertainment. Mapapanood ang naturang mga pelikula simula August 15.

Ayon pa sa magaling na director, sinuwerte daw siya na halos lahat ng pelikulang ginawa niya ay nabibigyan ng grade ng CEB. In fact, naka-anim na pelikula na siyang puro Graded A.

“Yung previous movies ko like Magkakabaung, Pwera Usog, Third Party, Isang Daang Tula Para Kay Stella at ngayon nga itong The Day After Valentine’s at Bakwit Boys, Graded A lahat. The rest ng movies ko, Graded B naman. Wala akong movies so far na walang grade,” kuwento sa PUSH ni Direk Jason.

Motivation ba sa paggawa niya ng mga pelikula na mabigyan ang mga ito ng magandang grade from CEB?

Aniya, “Well, ang goal lang naman talaga natin ay makagawa ng maganda. At least, nagta-translate to Grade A yung ginagawa ko.”

Para sa kanya, malaking tulong para mag-create ng awareness sa audience kapag nabibigyan ng A ang isang pelikula.

“May mga tao na, uy panoorin natin kasi A daw. Siguro, it won’t convince a person to watch it pero parang mas nakaka-encourage sa mga nag-aalangang manood.

“Halimbawa, nakita nila yung trailer, interesado sila pero hindi pa sila sure, then nakita nila, ‘Wow A, sige panoorin ko na.’ Pampa-encourage,” lahad ng director.

Nabanggit din ng premyadong director na hindi na siya masyadong conscious ngayon sa magiging box-office result ng kanyang pelikula.

“Not as much as before,” bulalas niya.

“Of course, gusto ko pa rin yan for my producers kasi they’re the ones who invest, eh. Pero on a personal level, hindi na ako ganun ka-affected. Malulungkot siguro ako for a few days then gawa lang ng bago.

“Mahirap na rin kasing i-predict ngayong kung anong kikita at saka hindi. Hindi mo na sure, ang hirap na. Kahit super laking artista, kahit bagong artista, ibang genre, mahirap,” sambit pa ng director.

When asked kung kaya bang i-duplicate ng The Day After Valentine’s ang kinita noon ng 100 Tula ay napangiti lang si Direk Jason Paul.

“Ang mas challenging siguro this year, kasi last year parang kami yung pinaka-mainstream, eh, the rest are artsy-artsy. Ngayon, hindi na lang kami, may Unli Life at iba-iba pa, so ang hirap masabi, di ba?

“Pero ako, mabawi lang o kumita lang yung producer ko ng P100 million, okey na sa akin,” ang wish ni Direk Jason para sa pelikulang pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos.