• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid, mag-tutuloy-tuloy na nga ba sa pag produce ng pelikula?

Ogie Alcasid, mag-tutuloy-tuloy na nga ba sa pag produce ng pelikula?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/7/2018 12:05 PM
Ogie Alcasid, mag-tutuloy-tuloy na nga ba sa pag produce ng pelikula?


 

Kasabay ng 30th year sa showbiz ng singer at songwriter na si Ogie Alcasid ang pagpo-produce at pagbibida niya sa pelikula na Kuya Wes na isa sa mga official entry sa 2018 Cinemalaya independent Film Festival.

Pagmamalaki ni Ogie na nalagpasan niya ang takot sa pag-produce ng pelikula dahil sa project na ito.

“Newbie producer ako. I’m very very excited and at the same time shokot akesh pero mas lamang ang sobrang excited dahil ang ganda rin ng response ng tao doon sa trailer namin, ang ganda rin ng response sa fb page namin,” sabi ni Ogie.

At kung maglilista si Ogie ng mga natutunan niya bilang first time movie producer, ito daw ang mangunguna.

“Siguro yung trust, mag-trust ka sa vision ng director at writer. Ngayon lang kasi ako naging ka-collaborative obviously dahil naging producer ako na natutunan ko yun na i-trust natin ang vision nila.”

Sa ngyaon ay hihintayin ni Ogie kung magtutuloy-tuloy na siya sa pag-produce ng pelikula base sa dami ng audience na manunuod sa Kuya Wes.

“After our commercial run and we see na, ‘Wow binigyan tayo ng moviegoers to do a film like this?’ Tuloy tuloy na po kami. Yun lang naman yun eh,” pahayag pa ni Ogie.

Samantala narito naman ang kumpletong schedule ng mga pelikula na mapapanuod sa 14th Cinemalaya 

Mapapanuod ang Kuya Wes at iba pang Cinemalaya entries simula August 3 hanggang 12.