• Home
  • Fresh Scoops
  • Nathalie Hart recalls the time she learned she's pregnant: 'Hindi ko alam kung ano gagawin ko'

Nathalie Hart recalls the time she learned she's pregnant: 'Hindi ko alam kung ano gagawin ko'

Ibinahagi ng aktres na si Nathalie Hart ang pakiramdam nang unang nalaman ang pagbubuntis niya sa Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/7/2018 12:56 PM
Nathalie Hart recalls the time she learned she's pregnant: 'Hindi ko alam kung ano gagawin ko'


 

Sa episode ng Magandang Buhay, August 7, ikinuwento ng The Blood Sisters actress Nathalie Hart ang pakiramdam niya noong nalaman niyang buntis siya. Ayon sa aktres, sampung beses niyang chineck gamit ang pregnancy test kit bago siya pumunta sa doktor. 

 

“Pumunta ako sa doctor, umiiyak na ko. Kasi overwhelming ‘yung feeling na buntis ka. Parang ‘Totoo na ba talaga to? Magkakaanak na ko.’ Narealize ko na wala akong oras for me now, ang dami kong commitments, paano ko ‘to masusurvive? So parang ‘di namin napagplanuhan,” sabi ni Nathalie. 

Aminado siya na hindi niya napigilang maging emosyonal noong una niyang nakumpirma ang pagbubuntis sa doktor. “Pumunta muna ako sa kotse tapos doon ako umiyak. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Tapos sabi naman ng partner ko, ‘Ano problema mo, buntis ka. We’re having our baby.’ Siya pa ‘yung positive… ‘Yung time na ‘yon, siya ‘yung ready ako hindi pa.”

Nilinaw naman ng aktres na hindi niya pinagsisihan ang pagdadalang-tao. Ayon sa kanya, normal sa babae ang pagiging emosyonal sa unang beses ng pagbubuntis. Sang-ayon naman sa kanya ang mga momshie-hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. 

Sa parehong episode, ibinahagi naman ng kapatid ni Nathalie na si Kenneth Hart ang excitement sa parating na pamangkin. “Sa tingin ko, magiging mabuting nanay siya sa magiging anak niya kasi bata pa lang kami nandiyan na siya na lagi kaming pinaparangalan. Lagi kaming sinusuportahan, di kami pinapabayan. Excited na ko na magiging tito na ko,” aniya.  

READ: LOOK: Nathalie Hart shows off her baby bump

WATCH: Nathalie Hart, ibinahagi ang kanyang pinaglilihian