Handa na ba si Sunshine Dizon umibig ulit?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/7/2018 9:17 AM
Handa na ba si Sunshine Dizon umibig ulit?


Photo credit: @m_sunshinedizon on IG

 

Hindi masabi ni Sunshine Dizon kung makaka-relate siya sa role bilang isang feminist sa isusyuting na pelikulang Rainbow’s Sunset ni Direk Joel Lamangan mula sa Heaven’s Best Entertainment.

“I don’t know the exact term, ha, to describe, pero oo naman. Siyempre, sa panahon ngayon, dapat ina-assert na talaga ang rights ng mga babae, di ba? Pero hindi ko naman din puwedeng sabihin siguro na fully feminist.

“Kasi, naiintindihan ko pa rin yung factor na ang pamilya, may mga pagkakataon na kailangan pa rin naman ng may tatay, may lalaki. Alam mo yung ganun?” paliwanag ng aktres.

Dugtong niya, “Kasi, kumbaga sa society natin dito sa Pilipinas... kumbaga, parte na iyan ng ano, ng kinagisnan natin. Pero mainam din na ang babae ay kayang tumayo sa sariling paa, di ba?”

Bagama’t hindi nagkabalikan, nagkaayos na sina Sunshine at ang ex-husband nitong si Timothy Tan pagkatapos matuklasan ng aktres na may ibang babae ang mister.

Friends ba sila ngayon?

“I don’t want to say friends,” sabi agad ni Sunshine. “But… ang hirap kasi ng friends, eh. Hindi ko alam kung tama ang term na iyan, eh.

“Napaka-complicated, eh. I could say na lang siguro na we’re civil. And we’re both doing our best. And we’re both doing our responsibilities and kung ano man yung dapat naming gawin para sa mga anak namin,” kuwento niya.

Masaya ba siya sa buhay niya ngayon kahit single siya?

“Ang hirap i-define ng happiness. Well, for that matter, I choose to be happy every day. I celebrate my small joys, kung ano man ang dumarating sa buhay ko.

“Kasi, sa panahon ngayon, lahat ng dumarating sa buhay ng tao, the mere fact na gumigising ka araw-araw, dapat i-celebrate mo iyan at ipagpasalamat. Siguro, may mga aspeto ng buhay ko na hindi ko na maibabalik sa kung ano man siya noong nakaraan.

“Pero natututunan kong maging masaya kung ano man ang... May kakulangan ba o kung ano man ang dapat kong punuan,” pahayag pa ng aktres.

Samantala, hindi naman isinasara ni Sunshine ang kanyang puso para magmahal ulit.

“I don’t want to close my doors. But as of now, my love and my life is my children. And I’m content with that,” kampante niyang pahayag sa PUSH.