• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman on building his dream house: ‘Ayokong umutang sa bangko’

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman on building his dream house: ‘Ayokong umutang sa bangko’

Edgar Allan Guzman, nagbigay din ng reaction sa pagsali ng mga transgender sa Miss Universe.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/7/2018 9:26 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman on building his dream house: ‘Ayokong umutang sa bangko’


Photo credit: @ea_guzman on IG

 

May mga kulang pa pala sa buhay ng award-winning actor na si Edgar Allan Guzman (EA).
“Oo naman. Siyempre yung bahay. Yon na lang talaga, eh,” bulalas ng aktor nang makausap ng PUSH kamakailan lang.

“Wala pa kasi, eh. Parang matatagalan pa ng konti. Ayoko kasing mag-loan Mahirap, eh. Ayokong may utang, eh,” dagdag niyang kuwento.

Pero may blueprint na raw ang dream house niya at nakabili na rin siya ng lote na pagtatayuan nito.

Aniya, “Hindi pa siya nasisimulan actually. Nando’n pa lang kami sa planning stage kasi may malaking puno do’n sa lupa ko at kailangan ko pang ipatanggal yon, kailangan ko pang ipaalam.

“Three floors pero may roof top. Tapos yung room parang apat, maliit lang din, kasi yung lot na nabili ko mahaba kasi.”

Ayaw naman daw niyang tipirin ang bahay na ipapagawa.

“Eh, siyempre, para sa akin, magpapatayo na ako, gandahan ko na, hindi yung titipirin mo, di ba? Pag-iipunan talaga at saka yon nga, ayokong umutang sa bangko kaya talagang ipon ako nang ipon.

“Hindi naman sa pagiging negative thinker, parang ayoko lang yung sugal nang sugal. Ayokong mabuhay sa ganun, eh. Ayokong mabuhay sa, ‘Hindi, marami pa yang trabaho, lalo na ngayon marami pa yan.’

“Gusto ko sigurado ako. Kailangan gusto ko matatapos ko at alam kong matatapos ko. Ayokong sumugal tapos in time, after three years, shit, wala na akong pera, di ba?

“So, wala rin, sayang yung… tapos may utang pa ako sa bangko, makakasuhan pa ako, uutang ako sa tao, ayoko ng ganun. Gusto ko yung sigurado,” katwiran pa niya.

Dahil identified si EA sa pag-portray ng gay roles kaya hiningi na rin namin ang reaksyon niya sa pagsali ng transgender delegate from Spain sa Miss Universe na gagawin sa Thailand sa December.

“Ako kasi, ang hirap lang magsalita. Pero ako, kuha nila yung suporta ko mapa-transgender, Pilipina man yan. Basta mai-represent nila nang maayos yung bansa nila, wala naman sigurong problema do’n.

“Siyempre, mataas naman yung respeto natin sa mga transgender at sa kababaihan, di ba? Ayoko lang magsalita nang tapos, pero I’ll support them all the way. Ako, kung saan yung  majority do’n ako,” nakangiti niyang pahayag.

Bida si EA sa pelikulang Pinay Beauty (She’s No White) na mapapanood mula August 15 hanggang 21 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.