• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino nilinaw kung ilan ang kanyang entourage sa shooting ng “Crazy Rich Asians”

Kris Aquino nilinaw kung ilan ang kanyang entourage sa shooting ng “Crazy Rich Asians”

Sa isang interview sinabi ng Hollywood actor na si Chris Pang, 18 assistants daw ang kasama ni Kris Aquino sa set ng kanilang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/6/2018 8:26 AM
Kris Aquino nilinaw kung ilan ang kanyang entourage sa shooting ng “Crazy Rich Asians”


 

Kaninong gown kaya ang isusuot ni Kris Aquino sa red carpet premiere ng pelikulang Crazy Rich Asians na gaganapin sa Hollywood on August 7?

Tatlong gowns ng mga sikat na designers tulad nina Francis Libiran, Jun  Escario at Michael Leyva ang bitbit ng staff ni Kris sa Amerika para pagpilian. So far, wala pang nabanggit si Kris kung alin dito ang kanyang irarampa sa Hollywood.

Sa latest post ni Kris sa Instagram (IG) ay ibinahagi nito ang write up niya sa Teen Vogue  na nakasulat ang “Kris Aquino as Princess Intan.” Nagbigay din siya ng comment about it sa kanyang post.

“Hello from LA. Hindi pinayagan ni Dr. Piano lumabas because today was very hot & dry, meaning the air would have a lot of allergens present- so i obeyed & just slept. Thanks @nix722 for sending this to me (the write up), Bimb was finally impressed w/ his Mama- he said “whoa, you’re on Teen Vogue?”

“Now all of you know why I’m grounded, with my feet firmly planted on the ground. #familylife. Looking forward to my lunch on Monday w/ the Fil-Am community. #pinoypride #philippines.”

Meron ding lumabas sa Preview na interview kay Hollywood actor and producer Chris Pang, na kasama sa cast ng Crazy Rich Asians nasa bansa kamakailan. Nabanggit ni Chris na sa shooting ni Kris sa Singapore, 18 assistants daw ang kasama ni Kris.

“Exagg” ang reaction ni Kris tungkol dito dahil eight lang ang kasama niya. Inakala raw siguro ni Chris Pang na kasama ni Kris ang P&G team na based in Singapore na nagdala sa kanya ng flowers. Dumaan din ang friends ni Nicko Falcis, boss from Uniliver and 1 boss from General Mills.

Sa interview naman ni Curtis S. Chin kay Kevin Kwan, author ng Crazy Rich Asians, ay nag-comment ito tungkol sa role ni Kris sa pelikula. Aniya, “she’s a highlight of the movie, for me, she’s a highlight.” Nagpasalamat naman si Kris sa tinuran ng author.

Samantala, sa latest post ni Kris sa kanyang IG account ay ipinasilip din niya ang teaser ng kanyang talk show sa iflix na may title na Live Life With Kris. Magsisimula na ito sa Aug. 11 pero wala namang nakalagay kung anong time slot.