• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags’ Nikko Natividad on having a broken family: 'Wala po akong sama ng loob sa kanila'

Hashtags’ Nikko Natividad on having a broken family: 'Wala po akong sama ng loob sa kanila'

Ibinahagi ng Hashtags member na si Nikko Natividad ang sitwasyon niya na broken family sa Magandang Buhay.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/6/2018 4:40 PM
Hashtags’ Nikko Natividad on having a broken family: 'Wala po akong sama ng loob sa kanila'


 

Sa natapos na episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, August 6, sinabi ng Hashtags member na si Nikko Natividad na wala siyang sama ng loob sa kanyang mga magulang matapos na nagkahiwalay ito noong dalawang taong gulang pa lamang siya.

 

“Away siguro nilang mag-asawa yun e. ‘Di ko din naman tinanong kung bakit sila nagkahiwalay. Siguro sagot lang din sa akin nun, hindi talaga sila nagkaunawaan.”

“Wala po akong sama ng loob sa kanila, kasi lagi kong iniisip hindi lang naman ako nag-iisang (may) ganitong problema. Parang ang dami talagang broken family,” kwento ni Nikko.

Lumaki si Nikko sa pag-aalaga ng kaniyang tita at lola sa side ng ama na naninirahan ngayon sa Japan. Ayon sa kanya, malaki ang pasasalamat niya sa mga nagpalaki sa kanya.

“Malaki pasasalamat ko especially sa mga tita ko at saka lola, dahil umabot ako hanggang college na sila ‘yung nag-alaga sa’min. Naging maayos ang lahat,” aniya. 

 

Ikinuwento din ni Nikko na ang tita Jenny niya ang una niyang sinabihan noong magkakaanak na siya. “’Di ko muna sinabi kay Daddy, sa kanya talaga kaagad. Hindi ko agad nasabi sa mommy ko. Kasi parang mas kumportable akong magsabi sa kanya bago sa daddy ko o sa mommy ko. Kasi nasanay na ako na kung may problema ako, sa kanya ako hihingi agad.”

Watch the episode here:


Isa si Nikko sa mga cast ng darating na romantic-musical film na pasok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 na Bakwit Boys. Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ang pelikula ay mapapanuod sa August 15.