Gusto pa bang sumabak sa politika ni Aiko Melendez?

Gaganap bilang isang mayor si Aiko Melendez sa kanyang bagong pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/6/2018 8:16 AM
Gusto pa bang sumabak sa politika ni Aiko Melendez?


Photo credit: @aikomelendez on IG

 

Naimbita ang PUSH ng Heaven’s Best Entertainment to witness the storycon for the new film Rainbow’s Sunset na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero.

Present din sa storycon si Aiko Melendez na katatapos lang lumabas sa Bagani bilang si Matadora. Gaganap siya bilang isa sa mga anak nina Tito Eddie at Gloria na mayor ng isang bayan sa Bulacan.

Natatawang bungad ni Aiko sa PUSH, “It’s very true-to-life because my boyfriend is a mayor. Ha-ha-ha. So, medyo may konek, di ba?”

Ang tinutukoy na boyfriend ni Aiko ay si Subic,  Zambales Mayor Jay Khonghun.

Nang tanungin namin si Aiko kung ilang buwan na silang magkasintahan ni Mayor Jay ay natawa lang ang aktres.

“Secret! Basta, malapit nang mag-anniversary!” nakangiti niyang pahayag sa amin.

Hihingi ba siya ng tips sa dyowang mayor kung paano mag-portray bilang alkalde?

“Tama!” tugon agad ni Aiko.

Balak din ba niyang maging mayor balang araw lalo pa nga’t naging konsehal na rin siya noon sa Quezon City?

“Hmm, hindi. Ibibigay ko na lang sa mayor kong boyfriend. Kasi, since wala naman ako sa politics ngayon, so but I’m not closing my doors to politics. But for now, dito muna,” sambit niya.

Ang Rainbow’s Sunset ay ididirek ni Joel Lamangan mula sa script ni Eric Ramos. Ang pelikula ay istorya ng isang prominenteng politician na sa edad 80 ay nag-decide mag-come out at amining isa siyang gay kahit pa meron siyang asawa’t anak.

Muling makakasama ni Aiko sa pelikula si Tirso Cruz III na huli niyang nakatrabaho sa hit series na Wildflower ng ABS-CBN.

Taong 2003 naman nang huli siyang idinirek ni Direk Joel para sa pelikulang Filipinas.