• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Fifth Solomon on directing Alex Gonzaga in "Nakalimutan Kong Kalimutan Ka": 'Grabe yung sipag niya dito'

EXCLUSIVE: Fifth Solomon on directing Alex Gonzaga in "Nakalimutan Kong Kalimutan Ka": 'Grabe yung sipag niya dito'

The actor turned director shares details about his “hugot” film.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

8/6/2018 8:36 AM
EXCLUSIVE: Fifth Solomon on directing Alex Gonzaga in


 

Although most people know him as one of the twin housemates in Pinoy Big Brother, Fifth Solomon is happy to be back to his original passion which is directing. 

“Before PBB, nung Mass Communications ako sa FEU (Far Eastern University) tapos sumali ako sa Metro Manila Film Festival Indie section. Nanalo yung film kong Manibela ng Most Gender Sensitive film tapos nanalo din siya sa Art Film Festival ng Best Screenplay. After that nag-copywriter ako sa GMA 7 tapos nag-quit ako at sumali ako sa Pinoy Big Brother. After PBB nag-masters ako sa Australia ng Masters in Media. Actually dapat two years ako dun kaso na-homesick ako,” he told PUSH. 

His latest film Nakalimutan Kong Kalimutan Ka is set to be released next month and stars his close friend Alex Gonzaga. 

“It’s about yung mga uso ngayon, yung mga hugot hugot. Mga hugot siya about forgetting someone you truly love, kung nakakalimutan moba talaga ang totoong pag-ibig, ang first love, ganyan. Actually hugot ko siya sa buhay ko (laughs) kasi na-broken hearted din ako before. Meron akong dating dini-date tapos yung sobrang na-in love ka tapos sobrang attached ka hindi mo alam kung makakalimutan mo pa yung tao. Yung konsepto namin parang kung merong klinika na naghuhugot ng puso para mahugot na rin yung sakit at saka makalimutan mo lahat ng sakit, kung may ganun ba papahugot mo ba yung puso mo? Parang ganun,” he explained. 

Fifth admits shooting the film with his close friend was an advantage. 

Kapag may gusto akong ipaggawa sa kanya nasasabi ko ng maayos, ng diretso.  Kapag hindi ko gusto sasabihin ko kaagad sa kanya. Tapos  siya rin sa akin nanunuod din siya sa montior mismo. Talagang pinapanuod niya yung acting niya. Kapag ayaw niya sasabihin niya sa akin na ulitin. Grabe yung sipag niya dito. Talagang seryoso siya dito sa movie na ito. Humanga ako sa kanya kasi iba yung makikita nating Alex Gonzaga. Talagang ang sakit. Merong time na nanunuod ako sa monitor ko tapos habang umaarte siya umiiyak na rin ako. Kasi ang galing ni Alex dito. Nagulat din ako kay Alex sobra,” he said. 

Apart from Alex Gonzaga in the lead role, Fifth shares that the movie has a very talented cast. “Kasama din sina Vin Abrenica, Candy Pangilinan, Jerold Napoles, tapos madami kaming cameo roles na kailangan niyo abangan. Masaya sobra kasi talagang  comfortable kami ni Alex sa isa’t sia,” he added.