• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, may lucky charm na dadalhin sa kanyang laban sa Miss Universe

Catriona Gray, may lucky charm na dadalhin sa kanyang laban sa Miss Universe

looking forward na din si Catriona na makilala ang kanyang Miss Universe “sisters.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/6/2018 8:53 AM
Catriona Gray, may lucky charm na dadalhin sa kanyang laban sa Miss Universe


Photo credit: @catriona_gray on IG

 

Present sa isang special charity day ang 2018 Binibining Pilipinas Queens sa pangunguna ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray.

Dito, excited na ikinuwento ni Catriona ang kanyang paghahanda sa Miss Universe pageant na magaganap sa Thailand sa darating na Disyembre.

 

“I think it’s really a great venue, they are pageant fans just like us and their culture is so beautiful, diverse and rich. Parang it would be nice to explore that with the rest of my Miss Universe sisters plus malapit lang (sa Pilipinas),” bungad ng beauty queen.

May patikim si Cat sa kanyang National Costume, aniya pasabog at first time daw ito na irarampa ng isang Pinay candidate sa prestihiyosong beauty pageant.

Pagdating naman sa consistent na pagkakasama ng Pilipinas sa mga paboritong kandidata sa Miss Universe, thankful si Catriona sa mga loyal pageant-lovers all over the world.  

”Blessing yan! It gives a boost of support and also different countries favoring me in some way and seeing good things in me, it makes me feel good,” saad pa niya.

Kasabay naman ng kanyng paghahanda para sa nalalapit na laban, isang kucjy charm din ang ibinahagi niya na kanyang dadalhin sa kanyang laban.

“Baka yung ear cuff ko! oo! Not that one exactly but a version,” pahayag pa niya.