Vhong Navarro, magpapakasal na ba?

Ngayong tapos na ang kontrobersyal na isyung kinasangkutan ni Vhong Navarro, handa na ba siyang magpakasal?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/5/2018 11:20 AM
Vhong Navarro, magpapakasal na ba?


Photo credit to: @vhongx44 IG

 

Ngayong tapos na ang kontrobersyal na isyung kinasangkutan ni Vhong Navarro at nahatulan na ng guilty ang akusadong sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Jed Fernandez ay gusto nang mag-move forward ng aktor sa kanyang buhay.

Hangga’t maaari, yung mga bagay na ganyan ayoko nang pag-usapan kasi ito yung bumabalik uli, eh. Kumbaga, nakakapag-move on na tayo kahit papaano. Hangga't maaari nga, hindi na ako nanonood ng balita, hindi na ako nagbabasa ng diyaryo. Kasi nga, hangga't maaari, gusto ko nang dumire-diretso.

Kailangan nating umandar yung buhay natin, di ba? Pero kung babalikan natin, parang natitigil ako at sumasariwa sa akin ang mga pangyayari,” pahayag ni Vhong nang humarap siya sa entertainment media para sa presscon ng latest movie niyang Unli Life ng Regal Entertainment.

Matatandaan na sa previous interviews ng It’s Showtime host ay sinabi niya na tatapusin lang niya ang kaso kay Cedric Lee at paplanuhin na niya ang pagpapakasal sa long time girlfriend na si Tanya Winona Bautista.
Matutuloy na ba ang kasal?

’Yung ngiti ko na lang, basahin n’yo na lang ‘yung ngiti ko,” tumatawang reaksyon niya.

Eh, kailan naman yon?

’Yung date, hindi pa puwede natin munang sabihin,” tugon ulit niya.

Maging ang tanong kung nag-propose na ba siya sa girlfriend ay paiwas din niyang sinagot.

Aniya, “Hindi ko pa rin pwedeng sabihin. Basta sinabi ko naman, siya na ‘yung forever ko, eh. Wala nang iba. Kung baga, bumubwelo na lang ako kung kelan.

Mas gugustuhin daw niya na kung saka-sakaling magpapakasal na sila ay gawin itong private wedding.

Mas tipid daw yung ganun, eh. Kasi, ‘yung girlfriend ko, hindi naman kasi siya showbiz, eh. Hindi siya ‘yung maraming tao, gusto niya ‘yung talagang intimate, kami lang. Kung gusto niya nga, tatlo lang kami ng pari, gagawin namin.

Siyempre, kung ano ‘yung parehas na gusto namin dapat. Mahirap ‘yung gusto ko lang,” pahayag pa ng bida sa Unli Life na showing sa August 15.