Liza Diño dumipensa sa malisyosong balita laban sa FDCP

Ayon kay Liza, nakikipagtulungan na ang Film Development Council of the Philippines para maibalik ang mga napautang na pera ng tanggapan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/6/2018 7:51 AM
Liza Diño dumipensa sa malisyosong balita laban sa FDCP


 

Nilinaw ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño ang mga naglabasan na mga balita kamakailan tungkol sa kinukuwestiyon na pondo ng kanyang tanggapan.

Ito ay matapos ang inilabas na Commision on Audit na report tungkol sa kuwestiyonableng 25 Million na pondo ng FDCP na ipina-utang sa mga independent film makers.

“Actually, there was a loan program done by the previous administration, itong loan program na ito para siyang film fund. Pero ang nangyari kasi, imbes na grant, naging loan program na kailangan bayaran,” bungad ni Liza.  

“Unfortunately of course kung ang subject especially ay art film, it’s really hard for the film makers to pay for this project,” sabi pa niya. 

Kasalukuyan ngayon na nakatigil ang loan program para sa mga movie makers.

“Tinigil namin ang program as soon as I got in (the position) and we’re trying to come up with the payment plan na hindi din magiging mabigat sa mga film makers,” paliwanag ni Liza.

Aniya, kasalukuyan nilang pinag-aaralan kung paano mababayaran ng mga independent film makers ang mga pagkukulang na ito sa gobyerno.

“Alam naman natin na ang mga pelikula nila (art films) in its nature, hindi talaga siya for profit,” sabi pa ni Liza.

“Parang para sa akin, how can you expect them to pay in full what we gave them? But of course kontrata yan, pumirma sila so gumagawa lang kami ng paraan kung paano kami makikipag coordinate sa mga film makers, to help each other. We want to help them,” dagdag pa niya.

May kinakaharap man na problema, nais pa din niya na maibalik ang mga naipa-utang na pondo para sa mga susunod na programa ng FDCP.

“Ang gusto ko lang gusto ko maging realistic na, ito talaga na kailangan talaga bayaran sa gobyerno. In what way? Pwede ba na in return of service? Pwede bang mag direk sila ng isang project for FDCP? Something like that. Para naman hindi monetary lang ang maging way (of payment),” pahayag pa ni Liza.

Sa ngayon, kasalukuan na pinaghahandaan ng FDCP ang ika-dalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na mapapanuod simula August 15.