• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: It’s Showtime writer Alex Calleja, binigyan ng break ng Regal bilang direktor

EXCLUSIVE: It’s Showtime writer Alex Calleja, binigyan ng break ng Regal bilang direktor

Aminado si Alex Calleja na nangangapa pa siya sa pagdidirek.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/5/2018 9:25 AM
EXCLUSIVE: It’s Showtime writer Alex Calleja, binigyan ng break ng Regal bilang direktor


 

Direktor na ang It’s Showtime writer at stand up comedian na si Alex Calleja. Bibigyan siya ng break ng mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde sa Regal Entertainment.

 

Ito ang ibinalita ni Alex nang makausap siya ng PUSH sa presscon ng Unli Life na pinagbibidahan ni Vhong Navarro kung saan kasama rin siya sa cast.

 

“Nung nagkita kami ni Ms. Roselle, sabi niya, ‘Bakit hindi ka magdirek?’ Sabi ko, ‘Sige po.’ Naka-first day na ako at ako rin ang nagsulat ng movie ko na ang title ay Papa Pogi,” excited na kuwento ni Alex.

 

Hindi ba siya natakot sa bagong mundong papasukin niya sa showbiz?

 

“Natakot din, siyempre. Pero binigyan pa ako ng kontrata (ng Regal). Three years contract ako. Iba-ibang kontrata – writing, creative consultant and director,” sabi ulit niya.

 

Bida sa kanyang Papa Pogi movie sina Teddy Corpus na host din ng It’s Showtime at si Donna Cariaga na nanalo sa Funny Juan.

 

“Ngayon magandang sumugal sa ano, kasi naghahanap ng bagong… Hindi na big star ang ano ngayon. Ang ano nila ngayon yung kuwento.

 

“Remember, si Empoy at yung Kita Kita hindi naman talaga… so ayun na ngayon ang ano, parang may indie touch,” lahad niya.

 

Pinagarap ba niyang maging director noon?

 

Kaswal niyang sagot, “Hindi, eh. Naging writer ako, naging komedyante, naging artista, hindi ko alam kung saan ako dinadala. IT programmer ako bago ako nakapasok sa showbiz. Nagugulat nga rin ako. Pero pag andiyan na pala hindi mo makokontrol, eh.”

 

Dahil baguhang director lang ay aminado si Alex na nangangapa siya. Naging honest daw siyang sabihin ang tungkol dito sa Regal.

 

“Binigyan lang nila ako ng magaling na DOP (Director of Photography). Sabi ko kasi marunong lang po ako sa mga comic at sa mga eksena pero sa ano… sa mga terminology, sa lente-lente, hindi eh. Pero nagustuhan nila yung first shooting ko,” proud niyang pahayag.

 

Ina-acknowledge naman ni Alex na kung hindi dahil kay Vhong ay hindi mapapansin ang talento niya sa pagsusulat at ngayon ay sa pagdidirek naman.

 

“Basta si Vhong Navarro may pelikula, ako kasama niya. Kasi si Vhong talaga nagdala sa akin sa Showtime. Magkasama kami sa Toda Max, nagustuhan niya yung comedy ko, so pinasok ako ni Vhong sa Showtime,” kuwento pa niya.

 

Siya na rin daw ang kinuhang writer at creative consultant at sidekick ng aktor sa mga pelikulang Mang Kepweng, Woke Up Like This, at sa Unli Life na showing naman on August 15 para sa Pista ng Pelikulang Pilipino.