• Home
  • Fresh Scoops
  • Look: Sharon Cuneta meets Mayor Sarah Duterte in Davao City.

Look: Sharon Cuneta meets Mayor Sarah Duterte in Davao City.

Kasalukuyan nasa Davao City ngayon si Sharon Cuneta para sa kanyang anniversary concert tour.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/4/2018 12:44 PM
Look: Sharon Cuneta meets Mayor Sarah Duterte in Davao City.


Photo credits: @indaysaraduterte IG

Isang masayang pagkikita ang naganap sa pagitan ni Megastar Sharon Cuneta at Davao City Mayor Sarah Duterte.

August 2, isang hapunan ang pinagsaluhan nina Sharon at ng Davao City Mayor na aminadong fan din ni Megastar.

 

“My very first cassette tape was a Sharon Cuneta album,” sabi pa ni Mayor Sarah sa kanyang instagram post.

Kasakuluyan ngayon nasa Davao City si Megastar bilang bahagi ng kanyang 40th anniversary concert tour na magaganap ngayong August 3, sa SMX Davao City.

 

Bukod sa pagkikita nila ng Davao City Mayor, nagbigay oras din si Sharon sa mga kabataan na may karamdaman sa House of Hope kung saan naging emosyonal si Megastar nang makasalamuha ang mga batang may sakit.

 

September 28 naman magaganap ang Manila leg ng 40th Anniversary Concert ni Sharon sa Araneta Coliseum.