• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos inuulan ng papuri sa pagganap sa ‘Ang Probinsyano’

JC Santos inuulan ng papuri sa pagganap sa ‘Ang Probinsyano’

Ayon kay JC Santos, masaya siya sa epektibong pagganap niya bilang kontrabida sa ‘Ang Probinsyano’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/4/2018 12:39 PM
JC Santos inuulan ng papuri sa pagganap sa ‘Ang Probinsyano’


Photo credits: @j.c.santos IG

Aminado si JC Santos na marami na ang nagagalit sa kanya ngayon sa kanyang pagganap bilang si Marco sa top rating primetime teleserye Ang Probinsyano.

 

Marco Cabrera #fpjangprobinsyano 📸 by @cocomartin_ph

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

 

Kuwento ni JC, nag-work ang kanyang paghihirap sa kanyang role bilang kontrabida sa muling pag-iibigan nina Cardo Dalisay at Alyana Arevalo.

“Ah oo sobrang daming galit sa akin (laughs). Nasabi ko, ‘Sa writers po ha. Hindi po ako ang may kasalanan,” bungad ni JC.

Ayon kay JC, ilan sa mga nababasa niya sa social media ay tila personal na ang nagiging galit sa kanya.

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

“Mamatay ka na sana! As in hindi yung Marco ha, nakalagay yung JC Santos. Ganon na ang mga nababasa ko (laughs),” sabi pa ng aktor.

Ganun pa man, thankful si JC na nararamdaman niya na epektibo ang kanyang performance bilang isang baliw sa pag-ibig kay Alyana.

“Wow, kasi nag-work yung character ko, nag wo-work yung mga ginagawa ng writers and ng director sa mga eksena namin,” pahayag pa niya.

Bukod sa Ang Probinsyano, isang pelikula din sa Pista ang Pelikulang Pilipino ang pagbibidahan ng aktor kasama si Bela Padilla sa The Day After Valentine’s.